Sunday, April 30, 2017

May dahilan kung bakit sina Bela Padilla at Jericho Rosales ay swak sa isa't isa

Malaki ang pasasalamat ni Bela Padilla sa screen partner niyang si Jericho Rosales.

Sa press launch ng bagong pelikula ng dalawa na “Luck At First Sight”, nalaman naming nag-split pala sina Bela at ang boyfie niyang si Neil Arce, isa sa mga producer ng N2 Productions na co-producer ng Viva Films, nang ginagawa ng dalawa ang nasabing pelikula ni Direk Dan Villegas.

Bela Padilla and Jericho Rosales

Ayon sa kuwento ni Bela, need niyang kumita kaya kahit may emote sa hiwalayan nila ng ex-boyfriend ay kailangan niyang magtrabahaho at tapusin ang project.

In short, ang motto ng dalaga noon, “work muna bago mag-emote”, na aminado siyang medyo naapektuhan siya sa hiwalayan.

Para pampalipas ng hugot sa nangyaring hiwalayan, ang mga co-stars ng dalaga ang kahuntahan niya. Si Echo at si Kim Molina ay nagpaaliw sa kanya noong mga sandaling ‘yun ng break-up nila ni Neil.
Dahil naging instant vibes sila ni Echo, naging open si Bela sa aktor, na nang matapos ang shooting, naging mag-buddy na ang dalawa.

Sa bagong pelikula nina Bela at Echo, bukod kay Kim ay makasasama rin nila si Cholo Barretto sa pelikulang sinulat ng aktres at ng ex-boyfriend niya sa screenplay ni Ays de Guzman.

Bela at Echo swak sa isa't isa
Sa Wednesday na May 3 ang showing ng pelikulka nationwide sa bagong rom-com ni Direk Dan na first time makagawa ng pelikula under Viva Films.

FDCP's Pista ng Pelikulang Pilipino nagsimula na mangalap ng mga kalahok

Simula na mangalap ng mga kalahok ang FDCP para sa kanilang Pista ng Pelikulang Pilipino simula May 1, 2017 para sa lahat ng Pilipinong producers at filmmakers.
L-R: Manet Dayrit, Ricky Lee, Joey Javier Reyes and FDCP's Liza Dino

Maaring mag-sumite ng higit sa isang entry ang isang filmaker o' producer pero isang pelikula lang ang maaaring maging official entry ng producer (or co-production).
 
Narito ang mga pamantayan para sa magsusumite ng pelikula na kanilang  kanila na ilalahok.

ELIGIBILITY;
* The film should have themes reflective of the Filipino sensibilities culture with wide audience appeal.
* The film ahould have been produced from the year preceding the event. (2016-2017 finished films)...
* The film should not have been previously commercially released in the Philippines.
* The film should not have been exhibited on the internet.
* The film should be at least 75 minutes in length.
* Films must be submitted with English subtitles.


SUBMISSION OF ENTRIES:
The following documents should accompany the DVD of the film (watermarked with "For consideration: Pista ng Pelikulang Pilipino") to be submitted:
a. Duly Accomplished entry form
b. Logline
c. Summary of the film
d. Lead Actor and Actress filmography
e. Director’s Filmography
f. Background of production
These should be sent in an envelope marked ‘Entry for Pista ng Pelikulang Pilipino’ or handed in person to:

Film Development Council of the Philippines (FDCP)
855 T.M. Kalaw St., Ermita, Manila

The ang mga pelikula na isusumite ay dapat umabot sa FDCP office sa mga sumusuinod na mga na mga takdangbaraa kaama ang mga entry fess:
* May 19, 2017 (Friday) – P5,000.00
* June 2, 2017 (Friday) – P7,000.00
* June 15, 2017 (Thursday) – P10,000.00



SHORTLIST OF FILMS
The selection committee will shortlist fifteen (15) films. The shortlisted films must present a marketing plan for their screening at the Pista ng Pelikulang Pilipino. Of these, ten (10) to twelve (12) finalists will be selected.


Sa launch ng Pita ng Pelikulang Pilipinp noong April 26, ipinakilala ang bumubuo (partial list) ng mga kabilang sa selection committee tulad nina Manet Dayrit, Ricky Lee at Jose Javier Reyes at Erik Matti.

Para sa mga karagdagan na impormasyon, mag-email sa :chairliza@fdcp.ph. 

Megan Young lakas loob na susubukan maging Hollywood star

Paalis for Hollywood si Miss World 2013 Megan Young para subukan ang chance niya sa larangan ng showbiz doon. 

Sapelikulang “Our Mighty Yaya”, kung saan bida si Ai Ai delas Alas na Mother’s Day Presentation ng Regal Entertainment (showing on May 10), nakaplano talaga kay Megan na subukan na magkaroon ng career doon tulad ng ibang dayong artista na nagkaroon ng pagkakataon na makilala sa Hollywood at sa international scene.

Megan Young

Summer season ang dating ni Megan sa Los Angeles, California na kung saan matatagpuan ang Hollywood na based ng malalaking production outfits, casting agencies, etc.
Alam ng dalaga na magsisimula siya sa wala. In short, nameless siya sa international scene, pero pagtitiyagaan niya.

Megan plays Monique in Our Mighty Yaya
  Sa Hollywood, she’ll undergo training and workshops. “I don’t expect anything. I’m really starting from scratch. Kung meron, meron. Kung wala naman, at least I tried,” kuwento niya sa umpukan ng press people sa interbyu sa kanya.

Sa edad niyang 27, aniya, “I might as well do it now. Bata pa naman ako at hindi pa ako nag-aasawa. Wala na rin naman akong anak at walang obligasyon sa ibang tao, so I might as well try it now and grab the opportunity.”

Sa pelikula ni Direk Joey Reyes, Megan plays Monique na isang beauty queen na napangasawa naman ni Antonio “Tonichi” Sevilla (played by Zoren Legaspi) na ayaw na ayaw ng mga anak ni Tonichi na sina Maria (played by Sofia Andres), Kevin (Lucas Magallano), at Peachy na ginagampanan ni Allyson McBride. In short, bad step-mother ang role ni Megan, while si Virgie, ang “Mighty Yaya” naman ang kakampi ng mga bata.

Megan with Ai Ai , Sofia, Kevin and Zoren

“It’s a funny film. Masaya kami during shooting lalo na si Ate Ai Ai,” kuwento pa ni Megan.
‘Pag nagkataon na matutuloy this July ang dalaga sa Amerika to find her luck, ito na marahil ang last movie niya sa Pilipinas.Sa pagti-try ng kanyang suwerte sa Hollywood bilang isang artista, magpo-focus muna ang dalaga sa purpose niya kung bakit siya nasa Hollywood tulad ng ibang mga baguhan at bagong salta na nangangarap na makilala internationally.

Who knows, kapag sinuwerte, Megan can be the next Asian to be known in Hollywood tulad ng mga nauna sa kanya like Michelle Yeo, Jackie Chan, Ana May Wong, at marami pang iba.

Si Ai Ai delas Alas ang Yaya for All Season

Yayey (as in Yaya) for all seasons ang komedyante na si Ai Ai de las Alas.

Aminado siya na kahit malalaki na ang kanyang mga anak na naka-base pa rin sa US (si Sancho na panganay niya na rito nakatira ang kasama niya) ay masaya pa rin siya na paglingkuran ang mga anak niya.

“Lalo na kapag dumadalaw ako sa kanila roon ay nagya-yaya pa rin ako sa kanila,” kuwento ni Ai Ai sa amin sa grand presscon ng bago niyang pelikulang “Our Mighty Yaya” na Mother’s Day presentation ng Regal Entertainment na sa May 10 na ipalalabas.

Happy ang komedyante sa ginagawa niya na paglingkuran ang mga anak niya.

“Parang lambing nila ‘yun sa akin. Okey lang, masaya ako dahil sa panahon na wala ako sa tabi nila, kahit papaano, napaglilingkuran ko sila,” sabi niya.

Si Sofia na bunso niya ay maagang nahiwalay sa kanya at doon na nga sa Amerika nag-aral.
“Ang mahirap sa kaso niya, bukod sa babae siya, bunso ko ‘yan. Baby na baby ko si Sofia.
“Kaya nga kapag kausap ko siya at may isinusumbong na sasabihin niya na kesyo may lagnat siya o may sakit sa katawan na nararamdaman, kung p’wede lang na maging Superwoman ako, lilipad ako para nandu’n ako sa tabi niya,” pagkukuwnto pa niya tungkol sa role niya bilang ina ng mg anak niya.

“Maaga rin akong nahiwalay sa mother ko na nagtrabaho abroad, kaya yaya rin ang nag-alaga sa akin,” kuwento pa ni Virgie (ang mighty yaya role ng komedyante) sa pelikula ni Direk Jose Javier Reyes.

Sa tipo ni Ai Ai, pakiwari ko, maganda siyang mag-alaga, na ang pag-aalag niya ay bunga ng kung ano man ang mga anak niya ngayon.

Ai Ai with her children
 “Mga magagalang sila. Hindi sutil o pasaway,” pagmamalaki ni Ai Ai sa mga anak niya.
Actually, sa edad ng bunso niya, independent na ito na nasanay na sa buhay-Amerika. Pero kapag nand’yan siya, all out yaya ang role ng komedyante kay Sofia.

“Gusto ko namang alagaan ang mga anak ko dahil gusto ko. Parang paglalambing ko na rin ‘yun sa kanila,” sabi ni Ai Ai.

Kaya nga inggit siya sa mga ina na kasama ang mga anak nila sa paglaki at naaalagan nila ang ito.
“Sa kaso ko, ang layo nila sa akin. Ako naman, nandito sa Pilipinas dahil sa trabaho. Mahirap talaga, pero tiniis ko, para rin sa kanila,” sabi pa niya.

Ai Ai with fans during her palengke tour
Yesterday, April  29 ay nag- "Palengke Tour" ang Queen of Comedy sa Balintawak at Tandang Sora Market para ma-meet ang mga yaya na namamalengke as part of the film's campaign promo.

Sa bagong pelikula niya, makasasama ng komedyante sina Zoren Legaspi, Megan Young, Sofia Andres, Lucas Magallano, Allyson McBride, at Beverly Salviejo.

Jericho Rosales walang bilib sa "suwerte"

Suwerte pero para sa iba, ang pagkapanalo sa lotto at karera ng kabayo ay napakalaking suwerte. Pero para kay Jericho Rosales, hindi siya naniniwala sa suwerte.

Paniwala niya ay pinagtatrabahuhan ang suwerte. Kung ano man siya ngayon, paniwala ni Echo ay biyaya ‘yun galing sa Itaas.

Jericho Rosales
Role ni Echo ay isang sugarol sa bagong rom-com ni Direk Dan Villegas na “Luck At First Sight” for Viva Films, kabaliktaran naman si Echo, kung saan kapareha niya si Bela Padilla sa mas matured na romcom na mapanonood na sa darating na Wednesday, May 3.

Sa pagkakataong ito sa kanyang career, isang sugal para kay Echo na magbago na ng imahe. In short ay kumalas na siya “love team” imaging niya sa leading ladies niya na isang malaking sugal sa career niya.

Sa “Luck At First Sight”, hindi sila love team ni Bela before he did the film.
“I’m just lucky na maganda ang project at maganda ang vibes ko,” sabi niyo.

It’s the biggest risk sa kanyang pag-aartista. “Pinakamalaking gamble ko ang mag-solo as an aktor.”


“I left the love team thing and pursued my music. I left showbiz for one year, pero nakabalik ako,” sabi niya na isang sugal kung titingnan mo ang hakbang na ginawa niya.


Jericho with leading lasy Bela Padilla
Sa pelikula, he plays the “malas” guy na sinuwerte nang makilala si Diane, portrayed by Bela.
Bukod sa dalawa, makasasama nila ang magaling na si Kim Molina (I love this girl sa Camp Sawi) at si Cholo Barretto..

 Bukas, May 1 ay nasa SM City Cebu sina Echo at Bela para sa premiere ng pelikula at sa May 2, Tuesday para sa SM Megamall preem nila  sa Cinema 9 at 7:30PM.