Sunday, October 1, 2017

MCLISSE: Hindi showbiz ang pagmamahalan at walang atrasan



 
McCoy de Leon and Elisse Joson

Bongga naman itong tambalan nina McCoy de Leon at Elisse Joson na kinaiingitan ng ibang mga love teams na gustong itawid ang mga tunay nila na nararamdamdaman na gusto nila i-level up at hindi lang pang-on camera kundi yong tutoong “mahal”or  tunay na love talaga.

Sa pagmamahal ni McCoy kay Elisse, seryoso ang binata sa kanyang nararamdaman sa dalaga.

In short, gusto nila na maging makatotohan at hindi pang-showbiz ang feelings nila sa isa’t isa na siyang ini-effort ni McCoy para patunayan sa ina ni Elisse na seryoso siya.

McCoy a nd Elisse with Kuya Boy in TWBA

The fact na openly ay humingi siya ng permiso sa ina ng dalaga na liligawan niya ito, para sa amin, isang disenteng pamamaraan ng panliligaw ito na you would not expect sa mga kabataan ngayon na ang uso ngayon sa mga millennials; konting chikahan lang at kiyemeng panunuyo, hayun at sinagot na ni girl si boy.

Sa panahon na uso ang madaliang sagot ng matamis na “Yes” na idinadaan na lang sa text message; ang  gusto ni McCoy ay sagutin siya ng sinusuyong si Elisse sa traditional na pamamaraan na bibitawan nito ang matamis niyang “Oo” ng harap-harapan at hindi lang sa IG or text message. 
       
Ang lovetam nila ni Elisse; known as McLisse at napapanood sa The Good Son at sa MMFF 2017 entry na “Ang Panday” na first directorial job ni Coco Martin.ang

No comments:

Post a Comment