Monday, October 23, 2017

TAKOT SA "THE GHOST BRIDE": Kim Chiu, kinakabahan sa sariling pelikula

 
Kim Chiu in Kathmandu, Nepal

Pina-practice pa rin pala ng pamilya ni Kim Chiu ang nakaugalian ng lola niya na isang Chinese.
Mayrooon din pala silang Chinese altar kung saan andun nakalagay ang mga litrato ng mga deceased relatives nila with matching incense burning at pag-alay ng pagkain na sa ating mga Pinoy, ang tawag natin ay “atang”. 

Sa bahay nila sa Cebu, pina-pratice pa rin ng pamilya ng dalaga ang nakamulatan niya noon. “Pero dito sa bahay ko sa Manila hindi na. Kung hindi namin ipa-practice magagalit ang Lola ko,” kuwento ni Kim sa grand media launch ng pelikulang “The Ghost Bride” ni Direk Chito Rono na tungkol sa sikreto ng mga Chinese beliefs and customs na ang isang buhay na tao ay ipinapakasal sa isang patay.

Kim with Matteo Guidicelli
Kilala ang Chinese sa practice ng kasalang ina-arrange. Yong iba nga, hindi pa ipinapanganak ay may asawa na at pinagkasunduan ng dalawang pamilya kahit nasa sinapupunan pa ang mga bata.
Sa katunayan ay inamiin ni Kim na may distant relative siya na isang “Ghost Bride”. Kamag-anak ng lola ni Kim ang ikinasal sa isang patay. 

Ang balita nga namin ay ipinahahanap nga daw ito ng Star Cinema para maging part ang information nila as a “Ghost Bride” para makakadagdag sa kaalaman ng sikretong ito ng mga Chinese na first time magiging bunyag sa publiko.
Sa kuwento ni Kim, pinsan ng Lola niya ang Ghost Bride na mayaman at madaming naiwanan na kayamanan at negosyo sa mga kamag-anak niya na pinamanahan ang mga kapatid at apo na nagma-manage ngayon ng kung anu-anong mga negosyo.
  
Paliwanag ng dalaga tungkol sa pagiging isang Ghost Bride na karakter niya sa bago niyang pelikula under the direction of Chito Rono: “Once na pinasok mo ang pagiging ghost bride, parang idini-dedicate mo na ang sarili mo sa pamilya ng patay. So, every Monday and Friday, every weekend dadasalan mo ‘yong patay tapos everyday ay pupuntahan mo ‘yung nitso niya, insensohan mo. Tapos lahat ng family event, kailangang puntahan mo.Parang asawa mo siya talaga,” kuwento ni Kim who plays the role of Mayen sa kuwento na isinulat ni Charlson Ong at Cathy Camarillo.

Kim with Alice Dixson in one of the mall promo tours

Sa katunayan, excited at kabado si Kim sa magiging resulta ng pelikula niya na ipapalabas mismo sa araw ng Undas (November 1). “Natatakot ako dahil malaki ang expectations ng public lalo pa it’s my first solo movie. Magkahalong kaba at excitement. Hindi ko po ma-explain yong feelings ko,” kuwento ng dalaga. 

Partly ay nag-shooting si Kim sa Kathmandu, Nepal kasama si Christian Bables. Kasama sa bagong suspense-horror movie sina Matteo Guidicelli, Christian Bables, Alice Dixson, Beverly Salviejo, Mon Confiado, Kakai Bautista, Isay Alvarez, Nanding Josef at si Jerome Ponce.

No comments:

Post a Comment