Sa presscon mo ng bagong serye na La Luna Sangre last Monday sa Dolphy's Theater sa ABS-CBN; itong isyu ng tungalian sa Marawi City ng mga Maute Group at ng mga militar sana ang itatanong ko sa 'yo backstage dahiil alam ko, tahimik ka lang pero may sasabihin ka. Kaso pagkatapos ng open forum bigla kayo hinatak ng mga handlers nyo after ng piktyur-piktyuran on stage para sa mga entertainment media.
Angel in Baloi, Lanao del Norte (Photo: Breakaway Media) |
Pero ang mga isyus ng mga Maranao na "bakwet" na nagsipaglisan sa Marawi para makaiwas sa kaguluhan ay hindi ko alam na may agenda ka na bago ka nagtungo sa Mindanao after the presscon ng bago mo na serye sa Kapamilya Network para sa trabahong showbiz.
Nagulat ako na bumulaga sa social media tulad ng Facebook na ang " No Media Coverage or No Photo-Op" na pagkilos mo nang nagtungo ka sa evacuation centers kung saan naroroon ang mga "war" refugees. Bilid ako na sumugod ka yesterday (June 8) sa Mindanao para in your own little ways ay makatulong ka.
Mula sa facebook account ng RMP-NMR ay narito ang nabasa ko para sa kaalaman ng nakararami na gusto ko i-share sa mga supporters, fans at naniniwala sa pure na intentions mo.
The Rural Missionaries of the Philippines – Northern Mindanao Region (RMP-NMR), Inc., together with partner organizations under Kalinaw Mindanao, today facilitated a relief intervention of actress Angel Locsin in Baloi, Lanao del Norte.
The actress went to Maahad Abdul Hamid, the temporary refuge for 283 individuals to distribute food packs and school supplies.
She then went around other nearby evacuation centers to check on their situation as well. She will later on be visiting another evacuation center to join the evacuees for iftar (breaking of fast).
Angel with a "bakwet" (Photo: Tudla Productions) |
This is the second time that Ms. Locsin, whose Maranao lineage through a local family has brought her to the concerns of the Moro people, has come to provide relief in the wake of armed conflict. Ms. Locsin also went around the Moro communities in Lanao del Norte after the breakdown of the MOA-BJE resulted to violence in 2008.
Another batch of 300 relief packs donated by Locsin will be distributed by the RMP-NMR tomorrow to the beneficiaries of a least- served evacuation center.
“This relief action is among several others that RMP-NMR is pursuing with other partners,” said April Thessa Diaz, services coordinator of RMP-NMR. “We are also starting Community Kitchens in least-served evacuation centers other than simply giving out food packs.”
A major humanitarian mission being prepared for next week under the Kalinaw Mindanao formation. Relief distribution, psycho-social services, and first responder medical services are among the activities the group aims at conducting.
Naalala ko na hind ito ang unang pagkilos ng aktres sa isyu ng armed conflict sa Mindanao.
Prior this this Marawi "war" ay naalala ko na dati na rin napadpad ang aktres sa Muslim Mindanao noon sa unang exposure niya na puno ng tensyon dahiil ayon sa pagkakasulat ng aktres noon ay madaming check points sila dinaanan on their way to the location na gusto nila tulungan dahil off limits para sa mga sibilyan ang lugar during that time pero hindi umatrsa at sumugod pa rin ang aktres ayon sa pagkakasalaysay niya.
Angel with an elder sa isinagawang food distribution yesterday (June 8) |
Nang manawagan si Angel sa mga taga-showbiz, madami ang tumugon. Madami ang tumulong.
Talking with a "bakwet" |
Kung kailan matatapos ang kaguluhan sa Marawi (na ang sabi sa radyo sa report ng military ay sa June 12 (Araw ng Kalayaan) ay nakatakda na sila maglagay ng Philippine flag sa lugar kung saan malakas ang presence ng mga terorista ay aabangan natin sa Lunes.
Pero habang patuloy ang kaguluhan, gutom at madaming mga biktima ng mga karahasan sa bansa mapa-Mindanao man ito o' sa Visayas at Luzon; alam ko na may isang Angel Loscin na tutugon sa panawagan. May isang Angel Locsin na sasaklolo at aayuda kahit wala ang media coverage at photo-op.
Mabuhay ka! Saludo ako sa iyo Angel.
*Other photos from Tudla Productions
No comments:
Post a Comment