Isa sa inaabang-abangan na pelikula for 2017 ay ang pelikula nina Janella Salvador at Elmo Magalona para sa Regal Films na ” My Fairytail Love Story” na sa simula pa lang ay may malaking clamor na sa tambalang ElNella (Elmo-Janella) na magkaroon ng sarili nilang film project mula nang mabuo ang love team nila sa telebisyon
Maganda ang konsepto ng pelikula.
Mala-Dyesebel na Pinoy version pero ang may nakapagsabi, more of the Hollywood
film na“Splash” na mermaid story ang peg ang kuwento na kung tama ang alaala ko
ay launching movie ni Daryl Hannah in 1984 ang pelikula.
Pretty Janella |
Bagets ba naman ang ididirek niya at
ang pelikula ay pang bagets din ang market. Pang-millennials ika nga na siyang
market ng pelikula at fan based ng dalawa bida.
Madami ang excited nang mag-first
shooting day sina ElNella sa Zambales. Excited ang mga fans ng dalawa dahil
matagal na nila inaasam-asam na magsama ang dalawa sa pelikula na sa kanila
mismo naka-focus.
Kaso heto’t ang latest. Si Direk
Jun, iniwanan ang pelikula na hindi pa tapos at halos wala pa sa kalagitnaan.
Nabitin.
Ang mga fans nangamba. Syempre
pelikula yun na inaabang-abangan nila na nagka-problema.
Pero si Direk Jun, dahil sa
kabisihan ng schedule niya at hindi na mag swak sa schedule ng dalawang bida
decided na bitawan ang pagtatapos ng pelikula.
Sa pagbitaw niya as direktor ng project,
inihabilin naman niya kay Direk Perci Intalan (na life partner niya); at
partner sa kanilang Idea First Film Production ng pelikula nina Janella at
Elmo.
No harm ika nga. Go na go pa rin ang
project.Walang magbabago.
Sa online interbyu namin kay Direk Perci sabi niya: “Exciting turn of events! From
the
start kasi pareho kami ni Jun na excited about the project. Kaso di magtugma
skeds ni Jun at nina Janella at Elmo. May ginagawa pa kasing movie ang ElNella
now.
“Nakasingit lang kami ng 4 days na mga eksenang nasa dagat. Pero now may
project
si Jun na dindevelop na kailangan niyang mag-stay sa Europe for almost a month.
Pagbalik niya, sina ElNella naman ang may commitments abroad. So napaisip kami
paano ang gagawin ? Sabi ni Jun, what if ako na lang daw mag-direk.
music
video niya for Moana na viral na viral ngayon with 24 million views. Baka daw
mas destined kami to work together. So inisip ko nang husto and finally I
decided na ganung ka excited ako sa project, so, go!!!”
Sa katunayan, ang sirena photo ng dalaga was taken during their shooting last
March
na si Direk Jun pa ang in-charge.
Pagbabalita pa sa amin ni Direk Perci ay may 20 shooting days pa sila na
tatapusin.
Elmo is excited sa movie nila ni Janella |
Habang isinusulat namin ito ay nasa preparation sila (Direk Perci as director)para
sa pagre-resume ng shooting na magsisimula naman sa July. Ang “My Fairtail Love Story” ay intended na isali para sa MMFF 2017 sa
December.
Bukod sa mermaid movie na ito ng dalaga ay my isa pa sila ginagawang pelikula ni Elmo ang “Bloody Crayons” na produce naman ng Star Cinema na isang horror movie at makakasama ng dalawa ang mga bagets stars ng Star Magic tulad nina Julia Baretto, Joshua Garcia, Ronnie Alonte, Diego Loyzaga at Sofia Andres sa direksyon ni Topel Lee.
No comments:
Post a Comment