Thursday, June 8, 2017

Ormoc City Mayor Richard Gomez at ang RWM incident


Isa si Richard Gomez sa mga showbiz local celebrities ang gusto namin.
           
 Alam ni Goma na love namin siya dahil sa pagiging opinionated, straightforward at pagiging vocal niya sa mga issues sa buhay at maging sa politika.
          
Basta may isyu na kailangan niya i-share sa media lalo na sa publiko ang opinion niya, hindi mo na kailangan pilitin si Goma na magsalita. Siya mismo ang may kusa tulad sa short posting niya last Saturday, June 3 kanyang Facebook account.
Ormoc City Mayor Richard Gomez with his constituents from Brgy. Curva

Kaya nga sa nangyaring insidente sa Resorts World Manila kamakailan, madaming mga Pilipino ang tila hindi kumbinsido sa paliwanag ng mga otoridad kung bakit nagkaganun at kung anu-ano at samu’t saring dahilan na kung kabilang ka sa “The Thinking Filipino”ay hindi ka dali-dali makumbinsi na ganun na lang ang paliwanag nila kung bakit nanyari ang hindi dapat mangyari.
          
Tulad sa opinion ni Ormoc City Mayor Richard Gomez tungkol sa RWM incident, ay may malaking katanungan ang aktor.
  
Mayor Goma with his staffs

"How can the RWM gunman shoot himself and burn himself to death? If reports says that he is a regular high roller player at the casino how come they do not have an idea of who he is? “ tanong ni Mayor Goma
           
Dagdag pa niya:”Pakisuot nyo nga ang kamiseta nyo ng pabaligtad para Hindi maligaw ang pag explain!!! Meron bang tanga na nakalagay sa forehead natin?!”
            
Sabi ng mga pulis, sarado na ang kaso sa RWM pero angnkongreso ay may sariling imbistigasyon nsa insidente na sa ganang akin ay nagiging pista na naman.
           
Mula nang manalo siya as Mayor ng Ormoc, pansamantala iniwanan ni Goma ang showbiz ay concentrate sa kayang trabaho bilang pinunong bayan ng lunsod.
           
On weekdays sa Ormoc siya based at uuwi na lang ng Manila on a Friday or the following day.
           
Iba ka Goms. Yan ang nami-miss ko sa mga artista natin sa kasalukuyan. Mabuhay ka!

No comments:

Post a Comment