Noong
humarap sa press si Vice Ganda almost two months ago sa kanyang “Chikahan Night
with the Press” bilang pasasalamat sa mga media na sumusuporta sa kanya,
nabangit ng unkabogable box-office superstar na may pelikula sila na
pagsasamahan nina former Miss Universe Pia Wurtzbach at Daniel Padilla.
Wish lang yun noong una pero heto’t
yesterday ay tuloy na tuloy na ng pangrap.
At the Manila Hotel, isinagawa ang
story conference ng tatlong artista na idi-direk ng box-office director na si
Bb. Joyce Bernal noong hapon (earlier ay andun kami para naman sa Miss Manila
207 press launch).
Sayang nga lang na kung wala lang
ako appointment sa Quezon City (para naman kay Liza Soberano at hindi nasipot
na contract signing ni Ryza Cenon sa Viva Entertainment- Ortigas office nila);
nakapag-meron sana kami bago naganap ang story
conference.
Ayon sa mga insider tsika, tipong
mga “Super Heroes” (hindi kaya mala-Marvel super heroes”) ang itatakbo ng
kuwento.
Sa pagkakaalam ko, intented for the
MMFF 2017 ang pelikula kung mapipili ng screening ng committee.
First movie ito ni Pia na tulad ng
pangako ni Vice noon na pagnatuloy ang pelikula nila ng dating Miss Universe ay
susuporthan niya ito at hindi pababayan ay siya din ang pangako ng komedyante yesterday sa mga TV crew na
nag-cover ng story conference.
Hindi ito ang unang pelikula nina
Vice at Daniel. Hindi pa batid kung makakasama or
kabilang si Kathryn Bernardo sa naturang
film project.
Next month (July) ang simula ng
shooting kung walang pagpapago sa mga schedules.
Tanong ko lang, make-keri kaya ni
Daniel pagsabayin ang paggawa ng pelikula at ang kanyang pagte-taping ng bago
niyang teleseryeng La Luna Sangre (magsisimula na sa Lunes, June 19) na
malaking oras ang ilalaan niya?
No comments:
Post a Comment