Friday, June 16, 2017

Pokwang is 7 weeks preggy



Happy kami sa estado ngayon ng komedyanteng si Pokwang.
           
Yes, preggy si Mamang sa live-in boyfriend niya na si Lee O’ Brian na nakilala niya sa set ng pelikulang ginagawa nila noon.
 
Pokwang with boyfriend Lee O' Brian
Si Lee ang leading man ng komedyante sa pelikulangng “Edsa Woolworth” in 2014 kung saan sa San Francisco area sila nag-shooting.  

          
Ito nga marahil ang sinasabing “tunay na pag-ibig” na nataguan ni Mamang kay Lee na isang American actor na nakilala niya at naging close sila habang isinasapelikula ang TFC project ni Direk John-D Lazatin.
           
I remember yong kilig na nararaamdaman ni Mamang Pokie noon sa lunch-tsikahan namin with some press people na naimbitahan niya sa bahay niya sa Antipolo noon na siya mismo ang nagluto ng spicy alimango, ang pinguusapang Ginataang Laing with shrimp; at ang masarap na mainit na sopas.
          

After lunch over coffee ay naging topic namin si Lee na after a few days ay kailangan na din niya bumalik ng Amerika para  i-promote ito sa Pinoy communities at ilang mliliit na mgan eksena na kailangn niya tapusin.
           
Plano noon ni Lee na sa Pilipinas magbakasyon noong Kapaskuhan noong taon na yun sa imbitasyon na rin ng komedynte.
 

Sa katunayan that year ay gusto nga dalhin ni Pokie si Lee sa Palawan para doon sila mag-celebrate ng New Year(na hindi ko na naalala kung natuloy yun).
           
Pokwang with Lee and daughter Mae Subong
Pangalawang pagbubuntis ito ng komedyante kung saan yong una nila ni Lee ay hindi natuloy dahil nagka-miscarriage si Pokwang.
           
Stress na rin marahil ang dahilan ng pagkalaglag ng bata sa kanyang sinapupunan two years ago while taping the teleserye na “Nathaniel” bukod sa dahilan na may edad na rin si Pokie na ngayon ay nasa edad 46 years old na.

Pokwang is 7 weeks pregnant. Congrats Mamang Pokie and Lee.

No comments:

Post a Comment