Friday, June 9, 2017

Sarah Geronimo makiki-K Pop na rin as "Miss Granny"



Nababaliw ka pa rin ba sa K (Korean)Culture? Ang mundo mo ba ay Korean Telenovela at mga K-Pop groups pa rin ang hinihinga? Baliw ka pa rin ba sa Korean food na akala mo at Korean ka na rin? 

Sarah as "Miss Granny"

Sa sanlaksang mga tatak Korean, isa ka marahil sa mga nabubuwang na Pinoy na mula nang mauso ang KC (Korean Culture) sa bansa, ang hilig mo marahil ay ang walang kamatayang K culture na isinusubo na sa yo. 

Kaya nga maging ang Pop Princess Sarah Geronimo ay makiki-ride-on na rin sa K Culture.
           
From Viva Films, ibinalita nila na gagawin ni Sarah ang Pinoy adaption ng isang Korean movie na may pamagat na “Miss Granny”.
          
Isang hit sa Korean film ang naturang pelikula noong 2014 kung saan ang bida na isang edad 70 years old ang karakter ay nagbabalik sa pagka-teenager(age 20 years old).
           
Ang naturang Korean movie ay nagkaroon na ng ng iba’t ibang version worldwide at kabilang na dito ang Chinese, Indonesia, Thai at Japanese adaption.
           
 Pagbabalita pa ay gagawin  din very soon angb"Miss Granny"  in English at Spanish version ng pelikula.
        
Sarah and Lloydie
Sa November 2017 ang target playdate ng pelikula ayon sa Viva big boss na si Vic del Rosario kaya malamang, pagkatapos ng Sarah and John Lloyd movie na ginagawa ngaypn ng dalawa, next i  line ang Miss Granny kung walang aberya.
           
Kaya for 2017 at walang nchanges ang pelikulang Miss Granny ni Sarah ay dalawang movies ang mapapanood ng mga fans niya for this year dahil naka-schedule din ipapalabas ang movie nila ni Lloydie na may working title na " Dear Future Husband" from Star Cinema mula sa direksyon ni Theodore Boborol.

No comments:

Post a Comment