Sunday, May 7, 2017

No big or small roles for Kim Molina


Galing pala ng teatro itong si Kim Molina. No wonder why she’s good.

Sayang, hindi ko siya napanood sa isang palabas ng PETA kung saan doon siya unang napansin bago pumalaot sa showbiz.
Talented Kim Molina

Pero pagdating sa pelikula, agaw pansin siya.

Sa dating movie ni Bela Padilla na Camp Sawi ay lutang ang karakter ni Kim as the “baliw-baliwang”nasawi sa pag-ibig” in her all-black outfit na nabaliw sa pagibig na after ng proposal ng boyfriend niya sa pelikula at nasagasaan ito.

Sa bagong pelikula nina Bela at Jericho Rosales na “Luck at First Sight” na showing pa rin sa mga sinehan na nagsimula last Wednesday May 3; pasok na naman ang mga eksena ni Kim sa pagiging supporting role niya sa bida. 

Sa mga magagaling na mga artista, there is no big or small roles.


Sa Camp Sawi, less talk nga ang role ni Kim pero napansin ko siya. Sa pelikula nina Bela at Jericho,  she’s good sa role niya as the cousin of Bela



Hindi lang pag-arte ang kamada ni Kim sa pagpasok niya sa showbiz because this girl can also sing.

Hopefully, magkaroon  ng regular drama serye si Kim sa telebisyon.

Bukod sa magaling siya, pretty siya at may karaktrer sa harap ng kamera.

No comments:

Post a Comment