Tuesday, May 16, 2017

Miguel at Bianca panay ang holding hands sa launch ng Mulawin vs Ravena


Ewan ko sa mga bagets na sina Miguel Tanfelix at Bianca Umali kung ano ang tawag nila sa kanilang " special friendship".

Panay pa rin ang deny ng kanilang ”love affair” gayong sa mga unguarded moments nilang dalawa ay makikita mo na palagi sila maka-holding hands. 

Bianca Umali and Miguel Tanfelix

Hindi daw sila magkarelasyon. Pa-epek pa lang daw ang binata sa dalaga na naghihintay lang ng go-signal ng dalaga para masabi na silang dalawa na nga.

But during the press launch ng Mulawin vs Ravena last  Monday evening kung saan they play the roles of Lawiswis(Bianca) and Pagaspas (Miguel) respectively, panay naman ang holding hands ng dalawa at palagi, ang kamay ng binata ay nasa tuhod ng dalaga lalo pa't ang haba ng table cloth ng mga mesa sa launch venue.

Ewan ko kung anong tawag sa ganun sa lenguwaheng millennial sa "holding hands relationship" nina Bianca at Miguel?


Sa mga bagong cast ng Mulawin vs Ravena, isa ang binata sa mga original na kabilang sa pantaserye ng Kapuso GMA Netwkork  na tumanda na sa mga seryeng kasabayan ng palabas almost 12-13 years ago.

Sa pagbabalik ng mga Mulawin at Ravena simula sa Lunes, May 22 ay mula  pa rin sa direksyon ni Dominic Zapata at sa panulat pa rin ni Don Michael Perez.





 

No comments:

Post a Comment