Tuesday, May 9, 2017

Regal's "Our Mighty Yaya" swak ang timpla at hindi slapstick



Wala pa rin talaga kupas ang komedyante na si Ai Ai delas Alas. Sa kanya pa rin ang korona ng pagiging Reyna ng Komedya.


Sa red carpet premiere ng bago niyang pelikula na “Our Mighty Yaya” last night Monday (May 8) na isinagawa sa SM Megamall Cinema 1, laugh trip ang mga manoood sa klase ng komedya ni Ai Ai sa obra ng beteranong direktor at writer na si Direk Joey Javier Reyes.

Ai Ai delas Alas with Mother Lily and child star Lucas Magallano
  Hindi slapstick comedy ang Our Mighty Yaya na produced ng Regal Films.

Nakuha ni Direk Joey ang tamang timpla ng klase ng comedy na alam ko ay magusustuhan ng mga millennial lalo pa’t discriminating ang panlasa nila.

Walang eksenang nadulas ang bida o’di kayaý eksena na napautot ito na magtatawanan ang mga ka-eksena. Pas

e' na ang mga ganitong panoorin sa mga comedy films.

Kaya Love ko si Direk Joey sa bago niyang obra na matagal ko rin hinahanap. Sensitibo ang klase ng comedy ng Our Mighty Yaya pero light at entertaining.
 
Si Ai Ai, hindi mo pa rin kakabugin sa istilo at timing niya pagdating sa ganitong genre. Siya pa rin ang Reyna.


Palabas na simula bukas Wednesday May 10 ang Mother’s Day presentation ng mag-inang Mother Lily Monteverde at anak niya na si Miss Roselle Monteverde.

Sa preem night, all-out ang support ng mga kaibigan ni Ai Ai. Mula sa anak niyang si Sancho, ang fiancée niya na si Gerald Sibayan ay andun.
 
Congratulations Ai Ai and Direk Joey. Nasapul ninyo ang eksaktong rekado at timpla para magustuhan ng Pilipino ang klase ng komedya ng Our Might Yaya.

No comments:

Post a Comment