Tuesday, May 2, 2017

Graded A ng CEB ang "Luck at First Sight" na pelikula nina Jericho at Bela


Iba ang timpla ni Dan Villegas sa pelikulang Luck at First Sight na bida sina Jericho Rosales at Bela Padilla.

Rom-com to a higher degree na not too bagets na for sure swak sa mga moviegoers na naghahanap ng magpapangiti sa kanila.  

Jericho Roisales an Bela Padilla
Napanood namin last Monday ang pelikula sa imbitasyon ng Viva Films para sa special screening nila for the press and bloggers sa Gateway Platinum Cinema. 

Masarap maupo sa lazy boy couch na may popcorn ka na sinamahan ng soda na kung hindi lang agaw pansin ang ganda ng pelikuka ay baka akatulog na siguro ako. 
Maganda ang tambalan nina Echo at Bela sa wide screen.May chemistry ang dalawa. Hindi man sila magka-loveteam pero may "landi"sila sa isa't isa.

Iba ka Direk Dan. Kamada mo ang tamang timpla ng isang pelikula na magpapangiti at magpapakilig sa mga manonood.

Sa kabila ng mga kaliwa’t kanang mga isyus tulad ng pananakop ng Tsina sa isla
ng Pilipinas sa West Philippine sea at ngayon ay ang paniniktik nila sa Behnam Rise (na pababayaan naman  malamang ng gobyerno natin); ang isyu ng EnDo na mainit na topic yesterday sa pagse-celebrate ng International Labor Day; sa loob ng dalawang oras, sigurado ako pampalipas problema ang pelikula.
Luck at First Sight is Graded A by the CEB
Sa mga loveless na ayaw ma-in love; sa mga in love pero nagdadalawang isip kung muli nsila magmamahal; sa mga waley pag-ibig na gusto na may iibigin; ang Luck at First Sight ni Direk Dan  ay akmang pelikula sa mga nagmahal, sa nagmamahal at sa magmamahal.
             
Love or Luck? Luck or Love? Pili ka.

Congrats Echo, Bela and Direk Dan. Congrats Viva Films & N2 Productions dahil Graded A ng Cinema Evaluation Board (CEB) ang pelikula na ibigin sabihin ay maganda.




Bukas na mapapanood na ang Luck at First Sight sa mga sinehan nationwide.




No comments:

Post a Comment