Maganda
ang project ng National Youth Commission (NYC) sa pamumuno ni Aiza Seguerra bilang
chairperson at ng opisina ni Liza Dino at ang kanyang pinamumunuan na Film Development Council of the
Philippines (FDCP) dahil sa proyekto ni
NYC Chair na Sine Kabataan kung saan makakatuwang niya ang FDCP, MTRCB at NCCA.
Sa Memorandum of Agreement (MOA) ng
NYC at FDCP kasama ang MTRCB marami ang natuwa sa pagpupursige ng naturang opisina
ng gobyerno sa kanilang mga projekto na hindi lang “for the sake” of art kundi
para sa pakinabangan ng mga kabataan sa pakikipagtulungan din ng National
Commission for Culture and the Arts (NCAA).
Sa panawagan ni NYC Chair Aiza sa
lahat ng mga kabataan na interesado: " Calling
young filmmakers, enthusiasts and hobbyists, this is for all of you. The National Youth Commission (NYC), the
National Commission for Culture and the Arts (NCCA), and the Film Development
Council of the Philippines (FDCP) spearhead Sine Kabataan, a short film
competition for the youth that showcases the current issues affecting them.
"We believe that film making is
one potent medium that the youth can utilize as an opportunity to express their
sentiments about issues confronting their generation more creatively’” pahayag
nito NYC Chairperson Aiza .
Sa papamamagitan ng Sine Kabataan
ang naturang proyekto ay magkakaroon ang kabataan ng pagkakataon na maitawid
nila ang kanilang mga mensahe sa pamamagitan ng mga short films na sila mismo
ang magpa-plano, magre-research, magusu-sulat, magso-shoot at magpe-presinta sa
mga isyus na kanilang kinasasangkutan tulad ng mental health, bullying, youth
in peacebuilding, domestic violence, teenage pregnancy, HIV/AIDS, among others
are not easy to deal with but because these are real life scenarios, the youth
can draw inspiration from them in developing their short film.
Dagdag pa ni NYC Chairperson Aiza: “Kailangan
na mapalawak ang pang unawa sa damdamin ng mga kabataan. Mahalagang malaman
natin lahat kung ano ang kanilang pananaw sa mga kaganapan sa kapaligiran.
“Kadalasan ay nag-uugat ang di pagkakaunawaan
dahil walang pamamaraan para maihayag ang saloobin nila. Ang Sine Kabataan is
one great chance and a giant step to acknowledge the youth’s creativity and
innovativeness in translating their real life’s journey into a short film” paliwanag
nito.L-R: MTRCB's Maning Borlaza, FDCP's Liza Dino and NYC's Aiza Seguerra |
Ang mga requirements para sa mga
sasali sa patimpalak para sa Sine Kabataan ay ang sumusunod; open sa lahat ng
mga amateur filmmakers mula edad 18 to 24 years old. Prizes in cash and in kind
await the winners.
Ang mga finalist para
sa Sine Kabataan Short Film competition ay itatampok at ipapalabas sa Pista ng
Pelikulang Pilipino kung saan mga full length films namnan na kasali ay
naka-schedule mapanood sa August.
No comments:
Post a Comment