Thursday, May 25, 2017

Regine Velasquez naexcite sa pagiging reyna


Ganun kaimportante si Regine Velasquez sa role niya as Sandawa sa pagbabalik ng pantaseryeng Mulawin na ngayon ay may bagong titulo na Mulawin vs. Ravena na nagsimula mnpanood noong Lunes, May 22 pagkatapos ng 24 Oras news program ng GMA-Kapauso Network.


Regine Velasquez in Mulawin vs Ravena

Mabuti na lang at tinangap ni Regine ang role bilang isang immortal goddess at keeper of Mt. Apo..
           
Kung hindi tinangap ng singer ang naturang role  ay mawawala ang naturang karakter niya dahil as Sandawa, it was made”only” for Regine ayon sa kuwento niya.
          
Excited ang singer sa role niya with her special powers na ang sexy actress na si Lovi Poe plays her daughter Magindara na pwede maging isang sirena na pwede rin mag-transform into an eagle.
          
Kuwento ng singer, kung dati daw mabilis matapos ang taping ng kanilang sitcom na Full House Tonight ay iba daw ang hirap at pagod sa trabaho niya for Mulawin vs Ravena.

“Nasanay na kasi si Nate na maaga akong umuuwi kasi mabilis lang ang trabaho ko sa Full House Tonight.,”pasimula niya sa tsikhan sa table namin nina Ruel Mendoza at Pilar Mateo during the press launch ng bagong pantaserye niya.



"Gustuhin ko man isama si Nate sa location taping namin, masyado kasing malayo at baka mapagod lang ‘yung bagets.Hindi ko rin siya puwedeng isama sa studio shoot namin kasi may mga lupa-lupa doon. Eh, may hika si Nate. Baka atakihin kapag malanghap niya ‘yung dust sa studio. Kaya bahay lang muna siya at hinihintay niya ako.
          
“Eh, minsan late na ako makauwi at tulog na siya. Nami-miss ko lang siya kapag nasa work ako. Kaya any chance I have na makasama siya kapag libre ako tinotodo ko kasi  sa-sad din daw siya kapag wala kami ni Ogie" kuwento ng nanay ni Nate.

No comments:

Post a Comment