Sunday, May 7, 2017

Xian Lim sipag mag-promo


It’s a working Sunday for Xian Lim yesterday (May 7). 

Bukod kasi sa super busy siya sa paghahanda ng kanyang 2nd major concert na magaganap sa Solaire na “Songs in the Key of X” ay abala din ang aktor ngayon sa promotion ng pelikula niya na “Dear Other Self” kung saan isa siya sa mga leading man ni Jodi Santa Maria sa pelikulang obra ni Direk Veronica Velasco.
 
Xian Lim is Henry in Dear Other Self showing on May 17

Malapit na kasi ang movie nila na showing  nationwide come May 17. In the film he plays the role of Henry (the other love interest of Becky played by Jodi bukod kay Joseph Marco) na sa kuwento ay bahagi siya sa “the other self” sa buhay ni Becky (played by Jodi.

Pansin namin during the grand media launch na tila pumayat si Xi. Puna nga namin sa kanya nang saglit namin siya nakausap na til;a nangangayayat siyam compare from the last time na makita namin siya,
 
Sabi ko, payat mo ngayon.Nagda-diet ka ba? “Hindi po. Baka sa suot ko lang or sa pants ko na medyo mataas ang pagka-tuck-in ng shirt ko,” sabi ng aktor.

 
Xian on stage at the Ayala Terraces in Fairview
  
'O baka nami-miss lang niya masyado si Kim Chiu dahil pareho sila busy sa kani-kanilang mga careers (si Kim ay aymay bagong late morning serye with Gerald Anderson) at si Xi naman, abala sa rehearsal ng concert niya at ito ngang promo ng movie nilang tatlo ni Jodi at Joseph.

Kanina (Sunday) nag-mall tour sila sa Fisher Mall(Quezon Ave.) at Ayala Terraces (Fairview) both in Quezon City. 

No comments:

Post a Comment