Monday, May 29, 2017

Arci Munoz target ang sexy at yum-yum abs ni Gerald Anderson


Aliw talaga itong si Arci Munoz kapag nagsasalita na. Alam mo tutoo kasi at walang preno.
           
 Kung ano yong sinasabi niya ay yun na yun kung ano ang gustong itawid ng aktres na mensahe na itinutulak ng puso at isip niya. In short, magugustuhan mo siya na alam mo tutoo ang sinasabi niya.
   
Gandang Arci Munoz
Si Arci ang nagbigay buhay, saya at tawanan sa grand press launch ng pelikulang “Can We Still Be Friends?”yesterday, Monday May 29 lunchtime na bagong pelikula ng aktres na kasama niya muli si Gerald Anderson na nasa direksyon ni Prime Cruz.
           
Matagal na pala niya crush ang kapartner na si Gerald. Lalo na ang mga abs nito gayong kahawig ni Gerald ang sikat na Hollywood actor na si Zac Efron .
           
Kuwento ni Arci na na-challenge siya kay Gerald. ”Yun ang challenging na kailangan kong gawin sa buong pelikula. Actually, sa lahat ng nagawa ko, 'yun ang pinakamahirap na iarte. Talagang 'yung pawis ko, yung malalaki, ‘yung parang sa anime,”paliwanag ni Arci tungkol sa super hot love scene nila ng aktor na sinundan niya ng tawa na tatak Arci Munoz lang.
           
 “Ang ganda kasi ng abs niya. Ang abs po niya, never absent, always present. Ang hirap po kasing labanan. Ang ganda kasi talaga. Parang ayaw ko matapos (yong love scene nila sa pelikula).”
          
Dahil sa yum-yum na abs ni Gerald, kinuntsaba pa nga ni Arci si Direk Prime.”Sabi ko kay Direk Prime ‘wag niyang ika-cut. Sabi ko ‘Wait lang Direk.’ Kinausap ko na siya sa monitor nila eh. Eh cinut niya,” nakakalokang rebelasyon ng dalaga tungkol sa eksena nila.
           
Arci and Gerald Anderson for "Can You We Be Friends?"
Pero kung titingnan mo ang “love team ng dalawa na nagsimula sa super hit na “Always Be My Maybe” na unang pelikulang pinagsamahan nila, bagay sila on screen, Bagay din sila off-camera as friends dahil nakuha nila ang tamang timpla ngn tunay na “friendship”.
           
Showing na sa June 14 ang bagong pelikuka nina Gerald at Arci.

No comments:

Post a Comment