Sunday, May 7, 2017

Sharon Cuneta humingi ng dispensa sa ginawa ni Sen. Tito Sotto


Sawsawan ng bayan ngayon si Sen. Tito Sotto na mas kilala sa mga diskarte niya sa senado na most of the time ay sablay. 

From the issue of plagiarism to the latest na pambabastos (para sa akin at sa milyon-milyong mga Pilipino na nagmamasid sa ginawa niya kay DSWD Judy Taguiwalo na ipinahiya sa nakarang Commission on  Appointment hearing; kahit saan mo man tingnan na angulo ay payaso siya na hindi mo talaga seseryosohin.

Ipinagtangol siya ng anak niyang konsehal ng Kyusi na si Gian Sotto na saliwa din ang pagkaintindi sa isyu( kebs ng bayan kung mahal mo ang iyong ama at isa siyang mabuting ama sa inyong pamilya; ito ba ang isyu niya kay Sec. Judy?)

Pero sa tipo nila na palaging palusot, hindi ko paniniwalaan ang mga tao na palaging nagso-sorry. Wala ako bilib sa konsehal na magpapalusot pa.
The Megastar Sharon Cuneta


Si Sharon Cuneta na pamangkin ng “Payaso ng Senado” na pamangkin ni Helen Gamboa dahil ang ina ni Shawie na si Mommy Elaine ay kapatid ni Tita Helen ay may post sa kanyang Facebook last Friday.


Pahayag ni Shawie: “ I would have preferred to be quiet about this matter, but because I know the man involved in this issue and consider him my second father, please be kind and give me this opportunity to put this forth. 

“We all say things we regret every once in a while. We are all only human, after all. We forgive because we know how it feels to ask for forgiveness," panimula ng aktres.  
Pagpapatuloy pa niya: “I am sure that just like I and many others, we sometimes mention things that we do not mean to include the entire population in or about. Madami pong single mothers, single fathers. Hindi lahat ay mapagmahal at maaruga. Pero NAPAKARAMI namang single parents na ibibigay ang lahat maging ang sariling buhay para lamang sa Ikaliligaya at ikabubuti ng anak. I MYSELF was a single mother. My two beloved cousins whom I consider true sisters, mga anak mismo ng kilala ko bilang "Fath" at "Daddy," at kilala niyo bilang tito sen o Sen. Sotto, ay single mothers din. Bakit naman nya babalahurain ang mga tulad naming mahal nya Kung yun nga ang pakay nya?
 
Sen. Tito Sotto aka "Payaso ng Senado"
“As his "panganay," and without even having spoken with him about this, I offer my sincerest and deepest apologies sa lahat po ng nasaktan at na-offend ng comment nya. Minsan po siguro lahat tayo ay nauuna sa pag-iisip ang pagsasalita. At tulad po ng narinig ko ngayon Lang, humingi na rin sya ng paumanhin. Sana po ay matuto tayong magpatawad. Lahat po tayo ay nagkakamali. 

At lahat tayo ay nangangailangan din po ng patawad sa anumang nagawa natin para makasakit ng kapwa, sadya man natin o Hindi,” pagkakasulat ni Megatar sa kanyang Facebook account. 

Dagdag pa ni Sharon:” Huwag po sana kayo magalit sa akin ‘o masamain ito. Lahat ng anak ay nasasaktan din. Lahat ng Ate ay dumudugo ang puso kapag ang kapatid- ang akin ay si Ciara Anna - ay nadadamay sa pagkakamali ng ama. Napakatinong babae po ng mga kapatid ko. Si Ciara ay di pa natatapos sa pagluluksa, pagluha, sa sakit na di nya inaasahang dadanasin pala niya. Patawad po. At maawa po sana kayo. Please spare her, like other good single mothers who were surely not meant to be included in a single, unthought of moment. 


“ Maraming salamat po. And if you believe in any word I have stood by to you over four decades, believe me please when I say that yes, Sen. Sotto is not perfect and is only human just like us. But he is a good husband, father, and a person with a darn good heart. 

“Again, I am so sorry on his behalf. And thank you so much for reading this. This is the first and the last time I will be addressing this issue as I have said everything I have already had to say about it. Thank you for your understanding. 

No comments:

Post a Comment