Sunday, May 7, 2017

Hastag Nikko Seagal Natividad dahan-dahan ang pasok pero sigurado

Like ko ang Hashtag member na si Nikko Seagal Naitividad na talent ng kaibigang Jobert Sucaldito.

Straight forward si Nikko kasi, kaya like siyang interbyuhin ng entertainment writers.
Una na, ako as a person, mas hamak na gusto ko naman na ang kausap ko ay diretso at hindi paliguy-ligoy, dahil as a person I’m straight forward sa mga kausap ko. Hindi ako mahilig sa mga sugar-coated words para lang magustuhan mo ako.

Nikko Seagal Natividad


Kaya aliw kami kay Nikko na bluntly na inunahan na niya si “Fren” Rommel Placente na wala siyang itinatagong sex video na uso ngayon, at naglalabasan ang mga lihim na dating nagawa ng showbiz personalities natin, na nang sumikat ay isa-isang naglabasan.

“Wala po ako n’yon. Bakit ko po naman ipare-record ‘yun, lalo na’t private na ‘yun,” paliwanaag niya.


Si Nikko ay isa sa mga original Hashtag members na happy sa estado niya ngayon sa noontime show na “It’s Showtime”, dahil mas nabibigyan siya ng mgandang break para ipakita ang kanyang hosting talent bukod sa kanyang dancing skills.

Sa noontime show, may bagong pakulo ang palabas kung saan laugh trip ang istilo ng hosting ni Nikko na sa mga nakapanonood, kahit mali-mali ang pag-i-Ingles ay nakake-create ito ng mga nakatutuwang eksena na tuloy nagkakaroon ng trademark ang klase ng pagho-host niya.

“Nag-usap kami ni ‘Nay Jobert na aalagaan ko ‘yong break na ibinigay sa akin ng ‘It’s Showtime’. ‘Yong pagpapa-cute, bigay ko na lang daw sa iba at mag-concentrate ako sa break na ibinigay sa akin,” kuwento niya.

Sa ngayon, pinasok na rin ni Nikko at pag-arte sa pelikula, na kung tama kami ay pinahanap pa siya ni Direk Joel Lamangan for a “gay role”, kung saan partner sila ng kapwa Hashtag member na si Jon Lucas sa pelikulang Bes Ang Galing Mo (Uwian Na, May Nanalo Na) na pinagbibidahan ni Ai Ai delas Alas.

Nikko and the gang (3rd from left first row)
Latest update on Nikko, one morning ay napanood ko siya sa Umagang Kay Ganda sa Kapamilya Network. Pampagising ang style ng hosting niya.

Hindi ko lang alam kung regular segment host na rin si  Nikko sa UKG.  Magaling siya. Why not?

No comments:

Post a Comment