Kung meron man siyang pelikula, kadalasan hindi naman naipapalabas sa mga regular na sinehan.
Ai Ai delas Alas ang "Reyna ng Komedya" |
Katulad ng pagkapanalo niya kamakailan sa recent ASEAN International Film Festival 2017 (AIFFA) bilang Best Actress sa pelikulang Area na pinagbidahan niya as an ageing prostitute; madami sa mga Pinoy ang hindi nakapanood dahil walang mainstream screening at kung meron man, agad-agad ay napu-pull-out sa mga sinehan dahil walang nanonood at mahina ang pasok ng pera sa takilya.
Pero mali pala ang akala ko. Si Ai Ai, swak na swak at aktibo muli sa pelikula via her latest comedy film na Öur Mighty Yaya" na simula na mapapanood ngayong araw, Wednesday, May 10 sa mga mainstream theaters. Yes, today ang showing ng pelikula niya na hindi slapstick ang klase ng pagpapatawa.
Hindi pa rin kinalawang ang Reyna ng Komedya. Humahataw pa rin siya sa kanyang pagpapatawa tulad sa bagong obra ni Direk Joey Javier Reyes na ang pelikula niya ay pasok sa panlasa ng mga millennial.
Megan Young, Ai ai and Direk Joey Javier Reyes |
Sabi nga ng komedyante at stage actress na si Beverly Salviejo na kasama ni Ai Ai sa pelikula na gumaganap bilang "mayordoma" sa pelikula: "Ang galing-galing niya. After working with her in this film, idol ko na siya."
Kasama din sa pelikulang Mother's Day presentation ng Regal Multi Media, Inc. sina Megan Young as the "madrasta"; Sofia Andres, Lucas Magallano, Alyson McBride, Beverly Salviejo at Zoren Legaspi.
No comments:
Post a Comment