Almost 300 movies na pala ang nai-produced ni Mrs. Lily Monteverde na mas kilala ng showbiz at film industry bilang "Mother Lily" simula noong 1960's
Naalala ko ang kuwento niya noon na dati siyang movie fan kaya nahilig siya sa pelikulang Pilipino.
Hindi maipagkakaila ang pagmamahal ni Mother Lily sa pelikula Pinoy kaya naman sa kabila ng mga intriga at dumating ang point na lugmok ang industriya ng pelikulang Pilipino ay hindi siya bumitaw.
.
Dahil sa pagmamahal niya sa pelikulang Pilipino, ang Film Development Council of the Philippines (FDCP) sa pamumuno ng kanilang Chairperson na si Liza Dino ay magbibigay parangal kay Mother Lily sa darating na Biyernes, May 12 sa Cinematque Center Manila sa ganap na ika-6 ng gabi.
Paparangalan si Mother Lily ng FDCP sa malaking kontribusyon niya sa industriya ng pelikulang Pilipino bilang film producer ng mga pelikulang Sister Stella L, Jaguar, Virgin Forest, City After Dark, Tagos ng Dugo at marami pang iba.
Sa kasalukuyan, ang latest film na produced ng kanyng Regal Films ay ang comedy film na Our Mighty Yaya" kung saan bida si Ai Ai delas Alas sa obra ni Direk Joey Javier Reyes na magsisimula na ipalabas bukas, May 10,
No comments:
Post a Comment