Friday, May 12, 2017

Jodi Santa Maria at Xian Lim todo promote ng "Dear Other Self" sa Cebu

Ang super sipag ng"Dear Other Self" cast sa pangunguna nina Jodi Santa Maria, Joseph Marco at Xian Lim na kahit pagod the previous night sa promotion hopping nila para sa kanilang movie from Cinema ay ang aga nagising nina Jodi at Xian (hindi nakasama si Joseph) for their trip to the Queen City of the South, Cebu para naman makasama ang mga supporters nila for their Ayala Cebu promo tour today.
 
Xian and Jodi at the airport for their flight to Cebu

Bukod kasi sa mall tour ay nag-guest  din ang dalawa sa MOR Cebu at umapirmpa sa Mag TV Cebu television show para i-push ang movie nila sa mga Cebuano na showing na this coming Wednesday, May 17 ang pelikula na dinirek  ni Veronica Velasco.

Sa movie, Jodi plays the role of Becky na ang buhay ay nahahiati sa sandamakmak na responsibilidad sa kanyang pamilya.at ang buhay na kabaliktaran naman na puno ng enjoyment na maraming adventures.

Sa Dear Other Self, Jodi will be partnered with Joseph who plays the role of  Chris na isang boy-next-door ang peg na maaasahan while si Henry (played by Xian) ay ang tipo ng lalaki na mahilig makipagsapalaran at chill lang.


Jodi and Xian promoting Dear Other Self  in Mag TV Cebu
Sino kaya kina Henry at Chris ang magpapatibok ng puso ni Becky? 
Pipiliin ba niya ang isang buhay na puno ng adventure kasama si Henry pero enjoy naman or ang buhay na less hassles at seguro  kasama si Chris?

 

No comments:

Post a Comment