Thursday, May 11, 2017

Jodi Santa Maria tutuparin ang pangarap na maging doktor


Kahit mga bagets ang kasama ni Jode Santa Maria sa “feel good” movie ni Direk Veronica Velasco na “Dear Other Self” na ipapalabas sa darating na Wednesday, May 17; sa looks ay keri humabol ni Jodi kina Joseph Marco at Xian Lim. Yes, dalawa ang leading man ng aktres sa peikulang produced ng Star Cinema.
 
Jodi Santa Maria

Kakaiba ang peg ng kuwento na pang-millennial na sa panahon na marami silang gusto gawin at maabot sa buhay, kung anu-ano ang mga pagsubok ang mae-encounter nila

Kumabaga, madaming “paano”. Madaming mga “what if” na katanungan na sa panahon ng mga kabataan na ipinanganak bago mag-EDSA Power; madami sila gustong maabot. Kumbaga, objective nila ay sangkaterbang goals.
  
Sa movie ay mai-involved si Jodi sa dalawang love interest niya played by Xian at Joseph. 

Sa poster, Jodi looks young sa peg niya lalo na doon sa photo niya na katabi si Xian. Pero nung presscon, bagets na bagets ang aktres na tila hindi tumatanda sa itsura niya. Di hamak na mas nauna naman siya kina Xian at Marco pero keri niya makipagsabayan.



Kaya nga si Jodi, ngayong sikat na siya bilang isang artista, gusto niya balikan ang kanyang pre-med education at maging isang “doctor” na gusto niya tuparin. 

“It’s something na hindi ko nagawa ng deretso kasi. I graduated high school in 2010. And now, I’m pursuing another course and hopefully in two and a half years, matapos ko siya,” kuwento ng aktres during the grand presscon ng pelikula nila.
 
Jodi with her leading men Xian Lim and Joseph Marco

Gusto ng aktres na bigyan diin ang edukasyon. “ I really want to put a premium on education, it’s because I have a son and I want to be able to set a good example,” paliwanag niya.
 
Ang kanyang anak na si Thirdy Lacson ay edad 12 years old na. “ I want him to know the importance of education,” sabi ni Jodi.

No comments:

Post a Comment