Tuesday, May 30, 2017

Liza Soberano niregaluhan ni Angel Locsin



Sa wakas ay ibinalita na last night (Tuesday, My 30) sa TV Patrol ang kumpirmasyon ng Star Cinema na si Liza Soberano na ang gaganap bilang si Darna.
          
Mula nang mabalita na hindi na si Angel Locsin ang siyang gaganap dahil sa sitwasyon niyang pisikal at medical kondisyon ang publiko ay nag-suggest.
          
Liza Soberano as the new Darna
Andyan ang mga pangalan nina Sarah Geronimo, Nadine Lustre, Pia Wurstbach at Kathryn Bernardo at kung sinu-sino pa na suggestions ng mga netizen.
          
Sa panayam ni MJ Felipi sa dalaga na nasaksihan ng milyon-milyong nanonood ng TV Patrol, sinabi ni Liza:”Sobrang na-excite po ako and I am happy and I feel very honored to be able to do the iconic costume and to be able to embody what Darna represents.”
 
Dagdag pa niya:” “Siyempre ‘yung expectations ng mga tao. Ang gagawin ko na lang po I will give my more than 100 percent best sa project na to."


Sa katunayan, nasorpresa din ang bagong Darna sa ipinadalagang mga Darna Komiks ni Angel Locsin  bilang regalo ng aktres sa kanya na mula sa private collections ni Angel na inipon nito for the past 10 years. Ang mga komiks ay iniabot ni Miss Malou Santos ng Star Cinema kay Liza mlast night.

Ayon sa manager ni Liza na si Ogie Diaz ay magsisimula na next week ang rigid training ni “Darna” at kasama na ang pagsabak niya sa martial arts, at ang mahirap na pagsasanay na suot-suot ang harness para sa kanyang paglipad sa komiks karakter na binuo ni Mang Mars Ravelo.
 

No comments:

Post a Comment