Thursday, June 1, 2017

Wyn Wyn Marquez masaya sa estado ng kapatid na si Mark Anthony sa kulungan


Happy si Wyn Wyn Marquez dahil ang Kuya Mark Anthony Fernandez niya ay okey na ang estado sa loob ng kulungan kumpara noong bago-bago pa lang ito nakulung nang maharang sa isang  check-point sa Pampanga at nahulihan ng sandamakmak na marijuana sa minamaneho ng aktor. 
 
Wyn Wyn Marquez

“He looks really good,”kuwento niya tungkol sa nasaksihan ni Wyn Wyn ng dumalaw siya sa aktor sa loob ng kulungan. 

Si Wyn Wyn ay kapatid ni Mark sa ina na si Alma Moreno at habang ang aktor naman ay bunga ng pagmamahalan nina Ness (Alma) at Rudy Fernandez noon.


Until now, sa Pampanga pa rin pala nakatira si Alma kung saan kumuha siya ng isang condominium unit na malapit sa provincial jail para mas malapit ito sa anak. 




Ayon kay Wyn Wynn na super sexy at super balingkinitan nang makausap namin sa grand media launch ng pantaseryeng Mulawin vs Ravena kung saan she plays the role of Ribay ay hindi siya puwede i-discuss ang legal case ng kapatid na sa kasalukuyan ay nasa husgado na. 
 
Wyn Wyn as Ribay sa Mulawin vs Ravena

Kuwento ng dalaga na sa adjustment period ng buhay ng kanyang  Kuya Mark sa “loob”, ay makapag-adjust ito. 

Sabi niya: “Umaasa pa rin kami na sana makalaya na siya. Ang mahalaga, kahit nasa loob siya ay hindi siya mawalan ng pag-asa.

“Ang importante, maipa-feel namin sa kanya na kahit nasa loob siya, we're still here for him,” kuwento ng dalaga.

No comments:

Post a Comment