Tuesday, June 27, 2017

Nora Aunor, happy at nag-out na



Happy kami sa mga kafatid namin mula sa LGBT community na nag-celebrate ng Metro Manila Pride 2017 last Saturday, June 24 sa Plaza De Los Alcaldes sa Marikina City with the theme “#HereTogether” na dinaluhn ng almost 7,718 participants ayon sa headcount ng Metro Manila Pride Team.

Nora supports the LGBT Advocacy

Sa kabila ng nagbabadyang isang malakas na ulan dahil sa maitim na ulap sa di kalayuan ay masaya na naidaos ang successful Pride event kasama ang iba’t ibang mga LGBT groups at kabilang na nga dito ang UP Babaylan ng UP Diliman kung saan namin nakuha ang picture ng aktres na si Nora Aunor na isa sa mga kilalang mga celebrity na sumama sa Pride March at nagparticipate. 


Dahil sa picture ni Nora sa parada, naging viral ang usapa-usapan na nag-out na si Guy kung ano ng kanyang sexual preference. 

May tsismis noon  ng kung anu-ano tungkol sa sexuality ni Guy na for us, there’s nothing wrong kung ano man ang piliin niya dahil hindi kabawasan sa pagkatao ng isang tao kung ano man ang gusto niya na for me it is just normal. Bakla, Tomboy, Transgender or Bisexual ka man, hindi nababawasan ang pagiging mabuting tao ang seksuwaledad mo. 

Nora joined th Pride march

Parang isang lalaki na gusto maging kaprtner ay babae; o di kay’ isang bakla na ang gustong mahalin ay isang lalaki  o’ kapwa niya bakla; o di kaya’t isang lesbian na ang gusto niya makapareha ay babae? 

Kabaliwan naman na bading ka na ipipilit sa ýo na magustuhan ang isang babae na parang hindi justified na line thinking.
   
Para sa amin, kung saan masaya si Nora, no question. Kung ano man ang preference niya oks lang at hindi isyu sa amin. 

Nora with a supporter

Pero may nakapagsabi sa amin ng rason ni Nora kung bakit dumalo siya sa Metro Manila Pride 2017 event ay dahil sa ginagawa niyang pelikula ngayon at kinunan diumano ang ilang eksena sa naturang parade. Role ng isang lesbian ang ginagampanan ng aktres. Walang ibang detalye ibinagay pa tungkol sa film project ni Nora ayon sa kausap namin. 

Happy Pride 2017. Sa mga LGBT friends at kapatid natin Mabuhay!

*Photos from UP Babaylan 

No comments:

Post a Comment