Thursday, June 8, 2017

Arci Munoz hindi na babalikan ang ex-boyfriend



Kung tatanungin si Arci Munoz at ng ex-boyfriend niya na si Badi del Rosario na anak ng prinsepe ng Brunie na after their break-up kung “Can We Still Be Friends?” knows ko na ang magiging sagot ng dalaga.

Arci Munoz
"Huwag na! ang malamang na sagot ni Arci sa boyfie niya for almost four years bago nauwi sa hiwalayan.

           
“Marami pong mga bagay na nangyari. Everything has been said and done. Wala na talagang chance,” sabi niya nangt anungin tungkol  sa isyung balikan or even na maging friends sila muli.
           
 May tugon agad siya:”Eh kasi nakita ko masaya na siya.”         
  
Katwiran ni Arci: “Siguro para lang din sa peace of mind tsaka kung iisipin mo yung maidudulot niya sa sarili mo ah. Na para sa akin wala ka ng iisipin, yun nga kasi anytime pwede kayong magkita or magkasalubong.”
    
Zero ang lovelife?
Dagdag niya: “Pero not necessarily na kailangan kayo maging mag-friends, para sa akin. Kung pwedeng casual lang, hi-hello. Oo kasi baka sabihin niya kapag hindi ka nag-hi bitter ka. Pero depende talaga sa sitwasyon eh.”
           
Sa ngayon may umaali-aligid kay Arci na tipong type siya pero wala pa linaw kung nanliligaw  ba sa kanya or may interest or “something” ang lalaki ba ayawnpa niya i-share ang identity.
           
“Ewan, hindi ko alam. Pero kwento-kwento. Pero hindi na kasi ako nagtatanong, okay na ako,” kuwento ng very cool at chill na si Arci.’
             
Panigurado niya na paglabas ng pelikula nila ni Gerald Anderson sa June 14 ay hindi niya i-invited si Badie na panoorin ang pelikula niya.
           
“Ha ha ha… baka sabihin niya ikinuwento ko ang lovelife naming. It’s about kung pwede maging mag-friends ang mag-ex. Baka may masabi pa siya,” sabi ni Arci.
          
“Hindi na rin. Wag na po hindi naman niya maiintindihan, Tagalog po.” Sabi niya.

Pagtatapos ni Arci: “Parang iniisip ko nalang nangyari sakin kasi nga sobrang fresh pa. Eh baka kapag mapanood niya sabihin niya pa ‘Bakit mo naman kinuwento ang love story natin?’ kapag nakita niya. So, ewan ko, wag nalang siguro.”

Mapapanood ang "Can We Still Be Friends?" sa Wednesday June 14 sa mga sinehan nationwide.

Mamayang gab June 8 ay nasa SM City Cebu (Mountain Wing Atrium) Sila ni Gerald para sa mall tour nila at 7:00PM.
 







No comments:

Post a Comment