Friday, June 16, 2017

Liza Soberano kumpirmado nagte-training na for Darna



Naka-online chat namin ang kaibigang Ogie Diaz last Monday evening at naibalita niya sa amin na nagsimula na mag-training ang alaga niya na si Liza Soberano para sa inaabangan na “Darna” film project ng dalaga na ididirek ni Erik Matti.
            
Liza Soberano as the first MEGAPRO  PLUS celebrity endorser
Sa online tsikahan namin, hindi nagbigay ng masyadong detalye si Ogie sa amin. “Nagsimula na siya mag-gym (workout),” na makakatulong ng malaki sa dalaga.
           
Ang alam ko mage-enroll din si Liza sa isang dance course ang dalaga para makatulong maging graceful ang paglipad ni Liza as Darna.
           
 As of presstime, wala pa pa rin ina-announce kung sino ang gaganap sa markadong role as Valentina (ang babaeng ahas na Pinoy version ni Medusa); at ang kapatid ni Darna na si Ding.
           

As Valentina madaming nagsa-suggest sa social media na si Anne Curtis i-offer ang role (papayag naman kaya siya?) or kay Pia Wurstbach.
           
Liza is excited sa movie niya na Darna
Sa Darna series na bahagi ng aking kabataan; I remember na may love interest si Narda  na angnname ng ordinaryong Darna na pag pingbaliktad mo ay ang pangalang Narda na kapag isinubo ang “magic bato” ang karakter ni Narda na  nakasaklay pa ay magiging Darna with her super powers. Para mas may kiliti ang pelikula, why not si Enrigue Gil ang gumanap?
          

Bukod sa Darna ang alam ko ay may bagong teleserye din ang dalaga na niluluto ang Kapamilya Network at wala pa impormasyon kung si Quen ang magiging leading man niya sa serye.

No comments:

Post a Comment