Friday, June 9, 2017

Daniel Padilla gusto kagatin sa lips si Kathryn Bernardo


Nasa mood si Daniel Padilla during the grand presscon ng bago nilang pantaserye na “La Luna Sangre” ni Kathryn Bernardo na ang kuwento ay tungkol sa tungalian ng mga lobo (or wolf) at ng mga bampira.
           
Kathryn and Daniel
Aliw ang binata sa punchline niya na kung sakaling isa siyang vampire, sino ang kakagatin niya?
          
Walang kagatulgatol ay si Kathryn ang gusto niya.
        
Anong parte ng katawan naman ng dalaga? Straight forward, ang sagot ng binata: “Sa lips,” at sabay bungisngis.
           
Sa bagong serye na magsisimula na mapanood sa June 19 (Monday) bukod sa lady love niya na si Kathryn ay makakasama nila sina John Lloyd Cruz at Angel (playing the roles of Mateo and Lia respectively) at Richard Gutierrez who plays a bampira named Sandrino.
           
Dagdag pa sa kaganapan sa grand presscon noong gabing yun, inamin ng binata na ”fan” siya ng Mulawin ni Richard na napapanood niya 12 years ago na napangiti na lang si Chard.

KathNiel with Angel Locsin and Richard Gutierrez
           Ang serye ay nasa pamamahal ni Direk Cathy Garcia-Molina na siyang direktor ng KathNiel sa hit teleserye na “Pangako sa  Yo” na sinubauybayan din ng milyon-milyong manonood noon.

No comments:

Post a Comment