Thursday, June 8, 2017

Ria Atayde seryoso na ba maging isang beauty queen?


Kumpirmado na hindi tsika 'o tsismis lang ang imbitasyon ng Miss World Philippines na sumali sa contest ang magandang anak ng aktres na si Sylvia Sanchez at ang negosyante na si Art Atayde na si Ria Atayde. 

Beautiful Ria Atayde
Pero may problema sa kaso ni Ria na kailangan pa daw magpapayat ito ayon sa kuwento ng ina. 

Pero sa ganang akin kaysa pasukin niya ang mga beauty competion ay mas akma sa kanya ang maging isang artista tulad ng ina na maganda naman ang panimula niya sa showbiz via the morning serye ng Kapamilya Network noon na “Ningning” at ngayon naman as Dra. Gia sa drama serye na “MDH” na magtatapos na next week. 

Actually, hindi ang pagaartista talaga ang gusto ni Papa Art (tawag namin sa dad ni Ria) kundi maging isang newscaster or maging isang beauty queen.

In short pinagbigyan lang ng ama ang hilig ng anak at masasabing influence na rin ng ina at ng nakatatandang kapatid na si Arjo Atayde.
 
Pero para kina Sylvia at Papa Art ay nasa anak nila ang final decision kung tutuparin ba ni Ria ang maging isang beauty queen na tulad ng gusto ng dad niya.
 
Is Ria ready to be a beauty queen?


Tulal nagtapos na sa kanyang college degree ang young actress sa DLSU (na siyang first rule ng mag-asawa) ay kay Ria na ang final say at desisyon.
  
Sa ngayon ay busy ang dalaga sa showbiz at bahagi siya sa Star Cinema’s new romcom na “Can We Still Be Friends?”'together with Gerald Anderson and Arci Munoz.

Ria with Gerald Anderson during their promo tour last weekend
Last Saturday, super tuhog ang dalaga kasama ni Gerald Anderson sa dalawang mall tour nila to promote the film na showing na  this coming Wednesday, June 14 sa direksyon ni Prime Cruz.

No comments:

Post a Comment