Monday, January 2, 2017

Vhong Navarro type si Kim Domingo

Si Kim Domingo ang bagong sex symbol na nalikha sa kuwadra ng GMA Kapuso Network.
Kaya nga hindi na nagdalawang-isip pa ang mga producers ng pelikulang “Mang Kepweng Returns” na pinagbibidahan ni Vhong Navarro na kunin ang serbisyo ng dalaga.
 

Sexy Kim

Sayang nga lang, wala si Kim at hindi nakadalo sa grand press conference ng pelikula at may  commitment ito.
 


Pause
Current Time 0:01
/
Duration Time 0:01
Remaining Time -0:00
Loaded: 0%
Progress: 0%
0:01
Fullscreen

00:00
Mute
Bongga nga ang sexy star dahil kung mahilig kang magbasa ng glossy magazines, siya ngayon ang nasa January 2017 cover ng isang men’s magazine na half-naked siya na ang suot lang ay ang kanyang black underwear at itim na gloves at ang kanyang boobs at nipples ay takip-takip ng kanyang dalawang braso na ang ganda ng pagkaayos sa kanya.
 
Ang peg ni Kim sa cover ng naturang magazine ay tipong Audrey Hepburn, lalo pa’t ang ayos ng kanyang buhok at make-up ay tila ginaya sa sikat na Hollywood star.
 
Ewan ko kung timing or masasabing blessing in disguise ang paglabas ng naturang magazine cover ni Kim dahil makatutulong ito sa promotion ng pelikula nila ni Vhong na mapanonood na sa Wednesday, January 4 na mismong kaarawan din ng komedyante.
 
Direk GB, Kim & Vhong
 
Sayang, kung hindi lang committed si Vhong sa kanyang girlfriend (may plano na ang dalawa na magpakasal), malamang sa hindi ay liligawan niya ang sexy star, lalo pa’t crush niya ito noon pa man.
 
“Ako po ay isang tao lamang na humahanga po sa kagandahan ng kababaihan. At hangga’t maaari po ay hanggang tingin na lamang tayo. Humahanga po tayo sa kanyang kagandahan,” sabi ng komedyante.
Sa pelikula, makasasama nina Vhong at Kim sina James Blanco, Jaclyn Jose, Louise delos Reyes, Jhong Hilario, at Sunshine Cruz na dinirek naman ni GB Sampedro.
 
*Kim's Photo from FHM
 

No comments:

Post a Comment