Kasi naman, first time naranasan ni Angeline na “makipaglaplapan” o sa sosyal na lengguwahe ay makipag-French kissing sa isang male specie at ito ay sa katauhan ni Jake Cuenca na leading man niya sa bagong romcom na “Foolish Love” ng Regal Films na showing na nationwide sa darating na Wednesday, January 25.
Natawa nga kami sa instant reaction ni Angeline sa first ever “laplapan” niya on screen at sa totoong buhay.
“Masarap pala,” diretsahang pahayag ng singer. Kung hindi pa nagkaroon ng French kissing sa pelikula, wala sanang “laplapan” na na-experience ang dalaga, na kung iisipin, sa tagal nila ni Erik (ano nga ba talaga sila?) ay never pala nagkaroon ng “laplapan” ang dalawa bilang boyfriend-girlfriend.
Angeline thankful kay Jake sa "Laplapan" experience |
Sa first romcom sa 2017, makasasama nina Angeline at Jake sina Miho Mishida at Tommy Esguerra na isa ring love team on-screen and for real na walang kaartehan at game din sa kanilang mga eksena.
No comments:
Post a Comment