Wednesday, January 11, 2017

Ang bagong raket ni Rita Avila

Nagandahan ako sa suot ni Rita Avila na mala-apron na may drawing sa harap  nang humarap siya sa media para sa bago niyang pelikula na Tatlong Bibe na produced ng Regis Films. Cute. Bagay sa kanya ang damit na black, na ang kulay ng nakapatong na apron ay parang mesh na white sa peg niyang children’s book writer na bago niyang raket (read: career o'trabaho); bukod sa pagiging isang artista.
Ang direktor ng Tatlong Bibe na si Joven Tan ang siyang nag-encourage sa kanya na magsulat ng libro.
Rita Avila
 
“Si Direk Joven, matagal ko nang kaibigan, noon pa. Noong una, medyo hesitant ako sa gagawin ko, I have no idea kung papaano.”
“Pero siya ang nag-encourage sa akin. ‘Di ba writer siya bago naging director? Siya ang nagturo sa akin kung papaano gagawin,” kuwento pa ni Rita sa amin who plays an abusive tiyahin ni Marco Masa na iniwan sa kanyang pangangalaga ng inang si Angel Aquino.

Happy si Rita sa estado niya bilang wifey ng mister na si Direk FM Reyes. Sa katunyan, sa current teleserye ng aktres sa Kapamilya Network, director niya ang mister.
“Kung minsan nakalilimutan ko siyang tawaging ‘direk’ sa set,”natatawang  kuwento niya sa amin. “Sa katunayan, very serious si Direk FM kapag nagwo-work. During break or meal time, hindi ko siya nakasasama. Kapag kumakain na kami, mga artista ang nakasasama ko dahil inaasikaso niya ang mga eksenang susunod na kukunan.
Sa bahay, pag-uwi nila, kung minsan natutupad ang pagiging husband and wife nina Rita at Direk FM. “Mas mahirap ‘yong work niya sa akin. Ako artista lang, na I have to concentrate on my role. Pagkatapos ng taping, tapos na. P’wede na akong umalis sa set. Siya hindi pa, kaya naiintindihan ko ang demands and responsibilities niya as director.
 
Rita with ABS-CBN's Direk FM Reyes
“Sa bahay kung misan, hindi pa ‘yan matutulog pagdating from work. Mag-aaral pa ;yan ng mga eksena na kukunan niya the following taping day. Mahirap ang responsibility ng isang direktor, na naiintindihan ko naman,” kuwento pa ni Rita sa amin.
Sa pelikula, makasasama niya ang tatlong mga batang artista ng Star Magic na sina Raikko Mateo, Lyca Gairanod, at si Marco Masa who will play sort of lead sa pelikula.
 
 
Hindi man nakasama sa 2016 MMFF ang Tatlong Bibe, nasuwertehan na nakakuha sila ng playdate sa darating na March 1.

No comments:

Post a Comment