Tuesday, January 10, 2017

Mayor Herbert Bautista balik ligaw kay Kris Aquino?

Ang tanong ng marami, nagkabalikan ba sina Quezon City Mayor Herbert Bautista at Kris Aquino?
 
Yes, only last week ay nag-date ang dalawa sa isang resto sa Morato sa Kyusi. Pero ang date na ‘yun nila ay hindi romantic date tulad ng pag-aakala ng marami.
Business date daw diumano ‘yong pagtatagpo nina Mayor Bistek at Tetay, kung saan nagpapatulong si Kris na maayos ang kanyang business permit sa QC na magde-deadline na sa darating na January 20.
 
QC. Mayor Herbert & Kris Aquino
Pero masuwerte si Tetay kumpara sa sampu-samperang mga nag-a-apply ng permit o nagre-new sa lunsod na pinamumunuan ni Mayor, dahil mismong si Mayor Bistek ang personal na kaharap niya para tumulong sa kanya.
 
I’m sure aprub na in princple sa QC Business Permit Division kung ano man ang inaaplayan ni Tetay, lalo pa’t with her tsika and charm, tatanggi ba si Mayor Herbert sa “dati” niyang nililiyag?
“Hindi kami nagkabalikan. Humihingi siya ng tulong tungkol sa kanyang business permit sa bagong itinayo niyang company. So, sabi ko sige. Ayun nag-meeting kami,” say ni Mayor Bistek.

Panigurado ni Mayor Herbert cum lover boy na ok naman sila ni Tetay at wish nga niya ay maging masaya si Kris at maging okey sa kanyang kalusugan. Lalo pa’t pinu-problema pa rin ni Kris hanggang ngayon ang kanyang unstable blood pressure na anytime, kapag hindi inalagaan at binantayan ay may malaking epekto sa kanya.
 
Bimby with the 10 pink ballons
Fast forward, last Sunday ay may post si Kris sa kanyang Instagram account  kung saan hawak-hawak ng kanyang bundo ang 10 pink ballons kung saan sa caption picture at nilagay niya ang conversation nila ni Bimby:
 
Bimb: Mom, who gave you the balloons?

 Me: 🤐  (Read: her lips are sealed na as of 11:00pm January 10 ay burado na ang reply ni Tetay sa anak).


Bimb: Okay, but if he breaks your heart can I shoot him? 


 
Me: Baril agad Bimb? 🔫 Can't you just punch him? 

 Bimb: Okay, but if he hurts you, I'll beat him up because you're my Mom & I should protect you.


 
Nagtatanong lang. Galing kaya kay Mayor Herberty ang mga pink ballons?
 
 
 
 

No comments:

Post a Comment