Mabuti na lang at okey lang sa magkarelasyon na sina Miho Nishida at
Tommy Esguerra na may kissing scene sila sa pelikulang “Foolish Love” ng
Regal Films. Sa totoong buhay kasi, magkarelasyon naman sila kaya hindi
isyu na kailangan pang magpaalam ni Miho kay Tommy kung sakaling iba
ang leading man niya o makahahalikan.
Miho Mishida & To my Esguerra in Foolish Love |
Kung titingnan mo ang dalawa, sweet sila. Bagay sila. Mukhang love na
love nila ang isa’t isa, reason kung bakit sa first movie nila, madali
para kay Direk Joel Lamangan na idirek ang dalawa.
“Hindi sila maarte. Hindi sila tulad ng ibang artista na kissing scene lang ay malaki na ang issue sa kanila,” sabi ni Direk.
Kung si Miho ang tatanungin mo. “Mabuti na lang po na si Tommy ang first kissing scene ko sa movie. Hindi ako naasiwa.”
Walang stress kay Direk Joel nang kunan niya ang eksena ng dalawa. “Very cooperative sila. ‘Yan ang gusto ko sa mga artista.”
Si Angeline (Quinto), hindi naging isyu sa kanya ang torrid kissing
scene nila ni Jake. Ipinaliwanag ko ‘yong scene nila na pumayag naman si
Angeline,” sabi pa ni Direk Joel.
Cast of Foolish Love with Direk Joel Lamangan |
Say ni Miho, “Dahil mas kumportable kami sa isa’t isa, mas naging
madali sa amin iyong mga ginawa namin sa pelikula as lovers at sa
kissing scene.
Sina Miho at Tommy, cool na cool lang. Chill lang, ‘ika nga, bago
kunan ang kissing scene nila. Ang ipinag-iba nga lang siguro sa dating
halikan nila in real life as magkarelasyon ay may nakatutok na kamera at
may ilang tao na part ng produksyon na nakamasid.
Ang basa nga ng marami, perfect partner ang dalawa na sa
sampu-samperang love teams ngayon sa showbiz, bago man sila on-screen ay
mahaba pa ang lalakbayin nila as a partners off-screen.
Sa January 25 na ang showing ng pelikula nationwide.
No comments:
Post a Comment