Sa photo posting pa lang ng adprom ng Star Cinema, nagkakagulo na ang
fans nina John Lloyd Cruz at Sarah Geronimo sa muling tambalan nila sa
pelikula ngayong 2017.
Sa Instagram account ni Roxy Liquigan, may kuhang picture si Lloydie
na katabi ang standee ni Sarah na tila pa-tweetums ang aktor, na kung
fans ka ni Laida Magtalas (karakter ni Sarah) at Miggy Montenegro
(played by John Lloyd), kikiligin ka na dahil sa huling pelikula na
pinagsamahan nila ay nauwi sa kasalan ang pag-iibigan ng dalawa sa
kuwento.
John Lloyd Cruz with " Sarah Geronimo" |
Unang nagsama sina Sarah at Lloydie sa pelikulang “A Very Special
Love” in 2008 na humakot ng almost P179.5 million sa kabuunang kita ng
pelikula, na sinundan ng “You Change My Life” in 2009 at ng “It Takes a
Man and a Woman” in 2013 respectively.
Kapag Sarah and John Lloyd movie, asahan mong kumikita ang mga romcom
projects nila. Sa last two movies ng dalawa, kumita ang Star Cinema
nang almost P200-M sa bawat pelikula.
Sarah Geronimo with " John Lloyd Cruz" |
Sa pang-apat na installment ng love story nina Laida at Miggy,
ipagpapatuloy kaya ng dalawa ang kanilang love story, na sa huling movie
nila ay eksena ng honeymoon nina Laida at Miggy? O baka bagong
kuwento na ito? Pero maganda rin naman na ituloy ang love story nina
Laida at Miggy na I’m sure, baka may baby na sila sa bagong pelikulang
pagsasamahan nina Mr. and Mrs. Miggy Montenegro.
Sa bagong tambalan ng dalawa sa pelikulng " Dear Future Husband" sigurado na patok na naman ito sa takilya,
No comments:
Post a Comment