The usual showbiz cliché ang bukambibig ng mga artistang ayaw umamin
sa kanilang mga relasyon lalo pa’t kapwa artista ang kanilang
ka-partner. Pero kung titingnan mo naman ang closeness nila, iisipin mo
na ang pangde-deadma nila sa katotohanan na malaman ng publiko at ng
media kung ano ang kumpirmasyon sa relasyon nila, mabubunyag na lang sa
araw na naghiwalay sila.
Sa presscon ng bagong teleserye ng GMA na “Pinulot Ka Lang sa Lupa”
na pinagbibidahan nina Benjamin Alves at Julie Anne San Jose, naging
topic namin ng mga kasamahang reporter ang white lies ng mga artista.
Benjamin Alves & Julie Ann San Jose in GMA's Pinulot Ka Lang sa Lupa |
Kita mo naman ang closeness nila. Ang hawakan nila ng kamay at mga
titigan, hindi ka magdadalawang-isip na sabihin sa sarili mo na sila na
nga.
Tulad sa kaso nina Benjamin at Julie Anne, mababasa mo sa mga
ikinikilos ng dalawa na may “something” between them, na ayaw lang
aminin ng dalawa.
Hindi na bago ang mga phrases sa showbiz ang “We’re friends but not lovers”, “We are getting
there (into a relationship)”, “We’re just superclose but we’re not
lovers”, etc. na pinagtatawanan na lang naming.
Sa kaso ni Benjamin at Julie Ann, very proud ang binata sa “super friendship” nila ng dalaga na ayaw pa ring kumpirmahin nito.
Ngingiti-ngiti lang si Benjamin kapag inuurirat mo si Julie Anne sa
kanya. Pero nang tanuning siya nang masinsinan, si Julie Anne ang babae
na gusto niya na maging girlfriend.
“I am happy when we’re together. Masaya ako kapag nand’yan siya.
Kahit magkasama kami sa taping at sa mga lakad, kapag nakauwi na kami, I
still enjoy talking to her,” kuwento ni Benjamin sa amin.
Pinulot Ka Lang sa Lupa on GMA Afternoon Prime starting January 30 after Hahamakin ang Lahat |
Malaki ang pasasalamat ng aktor na nagkasama sila ni Jilie Anne sa
bagong teleserye na mapanonood simula January 30 sa GMA Afternoon Prime
pagkatapos ng “Hahamakin ang Lahat”.
Sa serye, Benjamin plays the role of Ephraim while Julie Ann naman plays Satina.
Sina LJ Reyes, Victor Neri, Allan Paule, Martin del Rosario, and Jean
Garcia plays support sa obra nina Gina Alajar at Aya Topacio.
No comments:
Post a Comment