Goodbye Kris Aquino as the “Queen of Horror Movies” sa pagpasok sa
eksena ng “Horror Goddess” sa katauhan ni Iza Calzado via the first
horror movie in 2017 na “Ilawod” ni Direk Dan Villegas.
Iza is the "Horror Goddess"
|
Kuwento ito tungkol sa engkanto na natatagpuan sa ilog or sapa na ang tubig na dumadaloy ay pababa.
Kuwetong possession ito na ang buong pamilya ni Iza with husband
Dennis (played by Ian Veneracion), na sa kanyang pag-uwi from an
assignment sa isang probinsya ay may sumamang engkanto (Ilawod).
Sa trailer, hindi mo iisipin na ang pang-romcom na si Direk Dan ay kering manakot sa kanyang pelikula.
Si Iza na raw ang pumalit kay Kris na nakilala sa horror movies na
nagawa niya noon. Pero kung susumahin ang mga nagawang horror movie ni
Iza, mas marami pala siyang nagawa, tulad ng award-winning na pag-arte
niya sa “Sigaw” (na may US version na siya rin ang gumanap sa karakter
ng lead) at ang super hit sa box-office na “Haunted Mansion” noong 2015
MMFF.
IIlawod movie poster
|
Kung titingnan mo si Iza, even without any lines or dialogue sa kanyang eksena, may misteryo na nakabalot sa personality niya.
Iza with co-star Ia Veneracion ans producer Atty. Joji Alonzo
|
Ang horror film ay sinulat ng Palanca awardee na si Yvette Tan at
makasasama nina Iza at Ian sina Epi Quizon, ang nagbibinatang si Harvey
Bautista (anak ni Mayor Herbert Bautista), at ang mga nagdadalagang sina
Terese Malvar at Xyriel Manabat.
Ang Ilawod ay produced ng Quantum Films ni Atty. Joji Alonso at showing na next week, Wednesday, January 18.
No comments:
Post a Comment