Tuesday, January 3, 2017

Ejay Falcon wala pa plano magpakasal

Tahimik ang buhay pag-ibig ni Ejay Falcon. Wala masyadong balita pero lingid sa kaalaman ng marami, happy ang sexy hunk sa kanyang lovelife. Hindi lang natin masyado alam.
 ng plano m

 "Hindi lang napapaguusapan. Ok itong ganito at walang intriga,”kuwento niya sa amin sa media launch ng pelikulang “Extra Service” ns pinagbibidahan ng tatlong naggagandahan at nagseseksihan na mga artists ng ABS-CBN na sina Coleen Garcia, Jessy Mendiola at Arci Munoz.





Si Ejay romantically involved kay Jana Roxas na isang dating artista ng Kapuso Network na medyo nag-lie low na ito ayon na rin sa pagbabalita ng binata.



Mas gusto ni EJ na hindi masyado napapagusapan ang lovelife niya. Mas gusto nga niya na iilan lang nakakaalam at kung sino ang girlfriend niya para iwas intriga.

Pero syempre, hindi maiiwaan na maitanong sa kanya kung kamusta ang buhay pag-ibig niya na proud naman siya na bangitin kung sino at ipagmalaki.”Kasi kung lagi 
napapagusapan at naitatanong at naisusulat, mas may chance na maintriga. Masaya na ako sa ganito, Masaya kami. Proud ako sa kanya” kuwento ni Ejay.

Kung noong huling pasada ng 2016 ay madaming mga artista ang nagpa-plano na ang magpapakasal tulad ng co-star niya na si Coleen Garcia sa boyfriend niyang si Billy Crawford, wala pa sa isip ni EJ ang marriage.” Ipon muna habang kaya pa kumita,” sabi niya.

Ang pelikulang Extra Service na isang action-adventure na produced ng Skylight Films at Star Cinema ay tungkol sa tatlong dating mga preso na sa paglabas nila sa “laya” ay naging mala-Charlie’s Angels para sugpuin ang krimen in disguise bilang mga seksing mga masahista sa umaga na iba naman ang katauhan ng tatlong pagkagat ng dilim.
            


Next Wednesday na sa January 11 mapapanood ang action-adventure cum comedy na pelikula ni dinirek ni Chris Martinez kung saan si Carmi Martin naman plays the handler ng tatlong masahista cum secret agents sa istorya.
 
Kasama din sa pelikulka sina Vinn Abrenica at Enzo Pineda na ngayon ay mga bagong salta sa Kapamilya Network na galing Kapatid at Kapuso Networks respectively.

No comments:

Post a Comment