Kumbaga sa social media like Facebook, Twitter, and Instagram, na-endear ni dating Leyte 1st District Congressman Martin Romualdez ang kanyang sarili, and garnered for sure more than a million PWDs (persons with disabilities) followers simula nu’ng maapruban ang kanyang bill exempting them from the 12 percent value added tax (VAT) on certain goods and services, katulad ng sa senior citizens.
Cong. Martin Romualdez with a PWD recipient from Leyte |
That’s a fab law na hinihintay na lang ng marami, na matapos mapirmahan last December 23, 2016, ang implementing rules and regulations para i-go na at ipatupad. May touching story siguro behind this move ni dating Cong. Martin kung bakit super push siya ng bill na ito.
Well, nasimulan na rin niya yan, bakit kaya hindi na rin siya magtayo ng isang nationwide association for PWDs, ‘di ba?
I mean, tulad ko na isang PWD, me too, I want to have a national alliance among each other. Sa mga hindi nakababatid, naaksidente ako more than two years sa harap ng Quiapo church nang madulas ako on my way home. Na-damage ang left knee ko na nabasag ang patella na inoperahan at nilagyan ng wire ‘yong nag-crack na left patella.
The husband & wife team working together for the PWD's |
Isipin n’yo ang isang basketball na nang maganap ang aksidente ko ay naging flat at nawalan ng hangin ang bola (tuhod). Nang madulas ako early morning (2:00 a.m. ng Biyernes ‘yun na lingguhan kong nakagawian na dumalaw sa simbahan ng Quiapo), nagsimulang magbago ang buhay ko. Ang dating pagiging aktibo ng mga activites ko ay nabawasan, kung hindi ko man nagagawa na.
Ngayon na ang pagpupursige ni dating Cong. Martin na maaprubahan ang PWD Bill na inayunan at sinuportahan ng misis niyang si incumbent Leyte 1st District Congresswoman Ledda Romualdez (na dating beauty queen), isa ako sa super happy na ang paglilingkod-publiko ni dating Cong. Martin ay hindi nagtapos noong nakaarang eleksyon nang hindi siya pinalad na mapabilang sa Senado.
Cong. Martinm ang tunay na linkod bayan para sa mga PWD's |
Salamat Congressman Martin sa ginagawa ninyo sa mga PWDs. Saludo ako. Tularan ka sana ng iba riyan na matapos mahalal at nakaluklok ngayon sa pwesto at tutulog-tulog na lang sa pansitan.
No comments:
Post a Comment