Is it true na si Dennis Trillo ang nag-suggest na magbakasyon sila ni
Jennylyn Mercado abroad para makita ang misteryosong Northern Lights or
the Aurora Borealis?
A smart decision. I book travels and tours abroad (I own World 360
Travel Consultancy) at isa sa mga topsellers namin sa travel agency ay
‘yang Northern Lights tour. Mga bandang September to March magandang
makita itong natural phenomenon. Kapag April to August, waley mo sight
ito.
‘Di lang namin alam kung saang bansa sila nag-book. Pero para sa
akin, the best place para makita ang magical view na ito ay either
Finland or Norway. Expensive nga lang.
Kung sakali ngang after the “Sikat Ka, Kapuso” concert tour nina Jen
at Dennis sa January 22 at the Terrace Theatre, Long Beach, California,
ang vacay nilang ito, malamang diretso sila sa Fairbanks, Alaska na kung
saan maganda rin ang Northern Lights sightings o sa Yukon territories
ng Northern Canada.
Kung Europe ang destination nila, malamang go sila either sa Iceland, Scotland, or Sweden for the best sighting.
Ang tanong, du’n na kaya mabuntis si Jen? Kasi may haka-haka ang mga
psychic na kapag ang isang baby raw ay nabuo under the Northern Lights,
ito ay magiging maganda o guwapo, at higit sa lahat napakasuwerte!
Totoo nga kaya ang kumakalat na tsika na mayroong 2017 wedding plans na ang dalawa?
Jennylyn & Dennis recent holiday
|
Si Jen, may bagong show sa Kapuso Network na remake in Filipino ng
sikat na Korean telenobela na “My Love From The Stars” na si Bb. Joyce Bernal
ang direktor at magsisimula nang ipalabas ngayong first quarter of 2017.
Sa new serye ng aktres, makasasama niya as partner ang isang unknown
named Gil Cuerva. Sorry folks, got no idea kung sino si Gil at kung saan
ang pinagmulan para may “K” siya na maging leading man ng prime actress
ng GMA.
Bali-balita online, isang commercial and ramp model daw itong si Gil,
na kung titingnan ang photos niya, he looks like Borgy Manotoc na anak
ni Manang Imee Marcos.
No comments:
Post a Comment