Unang bumulaga si Michael Martinez sa media noong sumali siya sa 2014
Winter Olympics na ginanap sa Sochi, Russia. Siya ang kauna-unahang
figure skater mula sa Southeast Asia na hindi nakararanas ng snow, at
tanging kinatawan ng Pilipinas sa 2014 Olympics.
Olympic skater Michael Martinez |
Naging viral si Michael nang i-post ang panawagan sa mga kapwa Pinoy na suportahan siya sa kanyang pagsali sa kumpetisyon.
Sa mga pictures ni Michael noon na naka-post sa social media, isang
patpatin (payat) na bata si Michael, na after almost three years ay
magugulat ka sa transformation niya into a sexy and buffy hunk.
Yes, brusko, macho, at yummy ngayon ang binata with his almost 6 packs na abs na makikita sa kanyang Instagram posting.
Sino’ng mag-aakala na ang dating payat na Michael ay mata-transform
into one sexy & buffy athlete, na I’m sure, after seeing his latest
photos ay maraming girls at bekis ang mag-iilusyon sa kanya ngayon.
And how’s Michael’s lovelife sa edad niyang beinte? Sorry sa mga
nangangarap, dahil Michael is committed sa kanyang pag-eensayo para sa
2018 Olympics na gagawin sa Pyengchang, South Korea.
Siguro, after ng kompetisyon next year (2018), doon pa lang
makapagde-decide ang binata kung papasukin niya at seseryosohin ang
usaping lovelife.
No comments:
Post a Comment