Ano kaya ang dahilan ng break-up ng sexy star na si Arci Muñoz at ng
kanyang boyfie na si Badi del Rosario na anak ni Prince Jefri Bolkiah ng
Brunei?
Si Badi ay bokalista ng bandang Mr. Bones and The Boneyard, na dahil
parehong musikero sina Arci at Badi, malamang sa mga gigs sila
nagkakilala.
Arci plays Kapitana in Extra Service |
Kinumpirma ni Arci ang hiwalayan nila na sa
isang interview kay Arci. Parang kaswal lang at tila ito hindi apektado
sa split-up nila ng kanyang boyfriend, na akala nga ng marami ay siyang
makatutuluyan ng dalaga. Parang wala naman kasing dahilan o isyu sa
kanilang dalawa para mag-split.
Dahil sa hiwalay na siya sa boyfie, tila nagbubunyi ang dalaga sa hiwalayan.
“Yes! Mabuhay ang mga single! I’m gonna enjoy my life,” pahayag niya sa panayam na parang may hugot, huh!
Habang ang dalawang kasama niya sa action-adventure movie na “Extra
Service” na sina Coleen Garcia at Jessy Mendiola, happy sa kanilang
estado bilang girlfriends nina Billy Crawford at Luis Manzano, si Arci
naman, tila hindi happy ang kanyang Christmas dahil bago mag-Pasko ay
naghiwalay na sila ni Badi.
Kuwento niya na noon pa man ay may problema na sila ng boyfie na
inaayos nilang dalawa. Pero dahil nga sa hindi magawan ng paraan,
natuluyan nang “single at loveless” siya last Christmas Season.
Pero hindi isinasara ni Arci ang chance na maayos ang kanilang
relasyon ng boyfriend. Nagbiro nga siya na baka nga raw ay ma-rekindle
ang kanilang pag-iibigan kung mabibigyan lang muli ng pagkakataon.
Arci with Badi del Rosario |
Magkaibigan pa rin sila ni Badi, kahit loveless sila pareho noong nakaraang Pasko.
Aminado si Arci na noong pumasok siya sa pakikipagrelasyon kay Badi,
tila nag-focus siya sa kanyang relasyon na naging dahilan para
makalimutan niya ang single lifestyle niya, na kahit zero ang lovelife
ay happy lang at chill ang buhay.
No comments:
Post a Comment