Kung naging isyu sa pelikulang “Oro” ang pagpatay sa aso na naging
dahilan para i-pull out sa mga sinehan at mabawian ng award, bukod pa sa
nakalolokang demanda mula sa PAWS, siniguro naman ni Direk Joven Tan na
wala silang sinaktang hayop sa pelikulang “Tatlong Bibe” na poduced ng
Regis Films. “Kahit manok, bibe, kalabaw ay inalaagan namin,” sabi ni Direk Joven.
Direk Joven Tan |
Wish niyang maisama ang pelikula sa nakaraang MMFF 2016, kaso hindi ito
napili. Pero positibo si Direk Joven na makahahanap din sila ng showing
date kung saan naka-schedule ipalabas ang pelikula sa darating na March
1.
Dagdag pa ni Direk Joven, “Alagang-alaga namin ang mga animal sa set. Sa isang farm kami nag-shooting.”
Nilinaw ni Direk na hindi ito halaw sa sumikat na kantang “Tatlong Bibe” na pambata na naging viral last year.
“It’s an inspirational drama about love, faith and forgiveness,” ani Direk.
Panigurado ni Direk Joven, wala silang pinatay na anumang hayop sa
pelikula, kung ‘yun ang inaakala ng mga animal lovers na manonood ng
pelikula na pinagbibidahan ng Star Magic artists na sina Raikko Mateo
(of Honesto), Lyca Gairanod (The Voice Kids 1st Grand Winner), at Marco
Masa (of Nathaniel).
Lyca, Raikko & Marco |
Kuwento ito tungkol sa mga pagbabago sa buhay ng mga karakter nina
Angel Aquino, Rita Avila, at ng mga artistang kasama sa pelikula na sina
Eddie Garcia, Mommy Dionisia Paquiao, Anita Linda, Lou Veloso, Edgar
Allan Guzman, Luis Alandy, at Ms. Perla Bautista dahil kay Noah na
ginagampanan ni Raikko.
A day before Valentine’s (February 13) ay magkakaroon ng premiere night ang “Tatlong Bibe” sa SM Megamall Cinema 9.
Kuwento pa ni Direk Joven sa amin, “Hindi naman namin ipinakitang sinaksak ‘yung bibe o dumanak ng dugo. Daya lang ang lahat.
"Tatlong Bibe" official poster showing March 1, 2017 |
“Bakit naman ako mananakit ng hayop, e, alam kong bawal? Marami
kaming ginamit na ibang hayop sa movie like aso, pusa, kalabaw… but they
were all handled with care. No animal was harmed in the filming of our
movie. Our producer, Regis Films, has a farm at du’n galing ang lahat ng
animals that we used in our movie.”
Hindi comedy ang pelikula nila (kung pagbabasehan ang title ng
pelikula) kundi isang inspirational drama tungkol sa pagmamahal,
pananampalataya, at pagpapatawad.
No comments:
Post a Comment