Wednesday, January 4, 2017

Touching ang mensahe ni Vice kay Nanay Rose

Dumating na si Vice Ganda last night (January 3, 2017) ng mga 10:00PM galing sa kanyang Christmas Holiday sa Paris, France. Sinundo siya ng kanyang "Gay Friday" na si Jan Bariuad sa airport kagabi.
 
Sa Paris, nag-celebrate ng New Year ang buong pamilya ni Vice, pero nag-side trip sila sa Rome as requested ng ina ni Vice. Mga 2 nights din sila sa Roma then balik agad ng Paris kung saan doon sila nag-celebrate ng New Year’s Eve.
Vice with Nanay Rose
Sa Paris, wala raw fireworks, ayon sa kuwento ni Jan na impormasyon naman ni Vice na ipinarating sa kanila dito sa Manila.
 
‘Yong Eiffel Tower, lights lang daw ang pasiklab na siyang inabangan ng mga naroroon na sa kanyang IG account, nag-pose pa si Vice kasama ang ina na si Nanay Rose with the famous tower na inilawan.
 
Touching ang mensahe ni Vice sa kanyang IG sa photo posting niya with the Eiffel Tower in the background.
 
Sa special message ni Vice sa kanyang IG sa photo na ipinost niya kasama ang ina, aniya: “Kahit buong mundo ay di ko na mapatawa mapangiti lang kita sapat na. Kahit na bitawan ako ng mundo basta hawak lang kita sapat na. Pandirihan man ako ng mundo yakapin mo lang ako sapat na. Sabi nila wala daw lalaking magmamahal sakin. Anu naman! E ikaw lang sapat na. Nanay kita e. Sabi nila. Ikaw ang mundong pinili ko, Ikaw lang sapat na. Sayo pa lang buo na ang Bagong Taon ko. Kasi mahal na mahal kita. At ikaw lang sapat na.”
 
Vice and his family at the Spanish Steps in Rome
Marami ang na-touch sa New Year’s message ng komedyante na as of this writing ay mayroon nang mahigit 120 thousand likes at 1,096 comments.
 
Kanina ay balik na sa  “It’s Showtime” ang "Pambasang Beki" para makasama ang kanyang fans and supporters.

No comments:

Post a Comment