Nagulat na lang si Ian Veneracion sa bali-balitang kumakalat na may
“something” diumaho sa kanila ng sexy star na si Jessy Mendiola.
Hindi siya makapaniwala kung saan galing ang tsismis gayong hindi
naman daw sila magkasama sa isang project na siyang kadalasang
nangyayari sa mga artistang magkaama sa isang pelikula or teleserye na
may paandar na tulad ng romantic liaison sa isa’t isa para mapag-usapan.
Ian Veneracion |
Sabi ni Ian, “Hindi ko alam, hindi naman kami naging magkatrabaho or
anything. Siguro sa showbiz mas importante ang juice factor kaysa sa
factual basis.”
Sa estado ni Ian na very much like ng girls at mga bading with his
“young daddy” aura, hindi maiwasan na kung anu-anong tsismis ang
maglilitawan.
Mabuti na lang, hindi sila na-link ni Iza Calzado na ka-partner niya
sa horror film na “Ilawod”, kung saan ginagampanan nila ang role bilang
mag-asawa na isa-isang iniengkanto ng “Ilawod” na sa salitang Bikolano
ay engkanto ng ilog (o sapa) na ginagampanan naman ng magaling na young
actress na si Therese Malvar.
“Noong kami ni Jodi (Sta. Maria) never kaming natsismis, dahil alam
ng fans at supporter namin na happy kami sa mga personl naming buhay,”
sabi ni Ian.
“Sa last vacation namin ng pamilya, nagkita pa kami ni Jodi sa
Iceland. May ilang tour activities na nakasasama namin sila, pero
kanya-kanya kaming schedules,” dagdag pa ng aktor.
Imposible rin na ma-link siya kay Iza who is romantically involved
with Ben Wintle na any moment, kapag nag-aya nang magpakasal ang
karelasyon nito, I’m sure hindi na ito tatanggi.
Panigurado ni Ian, “Kung magloloko ako sa misis ko, I don’t need to
wait na ang leading lady ko ang makare-relasyon ko. Kung gugustuhin ko
lang, sana noon pa.”
Ian with co-star Iza Calzado |
Sa nasabing horror film, Ian played a reporter na during his
assignment sa isang probinsiya, ang engkanto ng ilog ay sumama sa kanya,
reason kung bakit inisa-isa silang buong pamilya na ma-possess ng
engkanto.
Bukas, Wednesday January 11 ay showing na ang horror film na kailangan mo na may kasama kapag manonood ka.
No comments:
Post a Comment