Wednesday, January 4, 2017

MMFF 2016 Oro: Inalis, binawian at may demanda


Kaloka. Malinaw na may pagsisinungaling mula sa kampo ng  produksyon ng MMFF 2016 entry na Oro na nagbigay sa aktres na si Irma Adlawan ng kanyang Best Actress trophy sa kanyang magaling na pagarte bilang si “Kapitana” ng isang maliit na barangay sa Gata, Caramoan, Cam Sur kung saan doon ibinatay ang kuwento ng pelikula na may apat na mga minero ang  minasaker.
 
The stars of Oro
Akala ko ay oks na ang kaganapan sa halos sunod-sunod na naging isyu tungkol sa MMFF 2016.

Una na ang pagiging self-proclaimed as Ambassadress of MMFF 2016 ni Mocha Uson na madami ang nagtaasan ng kilay; ang isyu ng sampay bakod na Parada ng mga Artista ng mga pelikulang kalahok at kung anu-ano pa na ang pinakahuli ay ang isyu ng isang eksena na may pinatay na aso (yes tutoong aso ang kinatay matapos ang imbistigasyon ayon sa MMFF 2016 Execom report) na noong una, sinasabi ng director ay “kambing or goat”ang kinatay nila na ginamitan nila ng prosthetic para magmukhang tutoo.

Pero ang latest, may ibang kuwento naman na lumitaw at may umamin na ang pagkakamali nila na ay nataon lang na may ganung kaganapan na kinunan nila't isinama sa pelikula dahil “tradisyon”daw yun sa lugar.ang pagkatay ng aso.

May isang insider na nagbunyag na pinagsabihan sila diumano na huwag sabihin sa mga tagalabas (not part of the production)  ang gagawin nila (ang pagpatay at pagkatay ng aso)lna hindi lang pala isa kundi dalawang aso ang namatay para makunan lang ang naturang kontrobersiyal na eksena.

Irma with the real life "Kapitana"
Yong una ay namatay ang isang aso dahil sa suffocation sa loob ng sako para dalhin sa location shoot bukod pa dun sa eksena na may asong pinalo at kinatay na luwa ang mga bituka na ipinakita sa pelikula.

Halo-halo na ang depensa at kuwento na sa sobrang tensyon, nalilito marahil sila sa kanilang mga statements. Alin ba ang tutoo? Ano ba ang tutoo? Paniniwalaan pa ba sila sa mga pagsisinungaling ng mga sangkot?

As of this writing, inalis na sa mga sinehan ang pelikulang Oro na desisyon ng MMFF Execom na karugtong nito ay ang ang pagbawi ng award na ibinigay sa kanila ng pamilya ni Ferrnado Poe Jr. at ang matindi ay ang PAWS sa pangunguna ni Anna Cabrera na nangangalaga sa karapatan ng mga hayop ay tuloy ang pagdedemanda sa producer at director at kung sino pa ang dapat isama sa asunto.
 
 
Anna Cabrera of PAWS
Basta ako naloka. “For the Sake of Art”; papatay talaga sila ng hayop para ipakita ang tradisyon na isa sa mga dipensa nila.

Sa ibang bansa, makikita mo sa mga film credits nila na kapag may hayop na kasama sa pelikula ay may disclaimer sila na “walang hayop na nasaktan during the shooting of the film” to that effect. 

Pahabol lang na pansin ko at nagtataka kung bakit ang MMFF 2016 screening committee ay hindi man lang umalma at deadma sa naturang eksena at hinayan na mapili pa ang pelikula para mapasama sa Magic 8. 

Yes, may change sa MMFF 2017. Ang lakas ng impluwensya ng mga pangyayari tulad ng mga EJK sa rehimeng Duterte.


No comments:

Post a Comment