Matalinong bata si Liza Soberano ayon sa deskripsyon ng manager
niyang si Ogie Diaz. Iba si Liza. Hindi siya tulad ng ibang artistang
kaedad niya na kung ano na lang ang isubo sa kanya, okey na siya,
tanggap na lang nang tanggap, ‘ika nga.
“Si Liza kapag may project kami, magtatanong ‘yan. Talagang gusto
niyang i-discuss mo sa kanya ang detalye. ‘Yan ang gusto ko naman
sa kanya, dahil may participation siya sa lahat ng mga bagay na gagawin
niya,” sabi ni Ogie sa amin.
Enrique & Liza with their instructor |
Malaki ang impluwensiya sa kanya ng mommy ni Enrique Gil na si Tita
Bambi. Lalo na ni Quen, “na basta usapang negosyo ay pareho silang
seryoso at excited.”
Reason na rin siguro kung bakit kasabay ng kabisihan nila ni Quen sa
trabaho with a new Valentine movie na “My Ex and Whys” ng Star Cinema na
showing na sa February 15, hindi pa rin nila binibitawan ang kanilang
pag-aaral sa SISFU (Southville International School Affiliated with
Foreign Universities) na affiliated sa isang London business school na
gusto ng dalawa.
Kung tama ang impormasyong nakarating sa amin, noong late of 2016
nagsimulang mag-aral ang dalaga. At least si Liza, kung sakaling mawala
man sa showbiz, may fallback ito sa negoyong papasukin kung sakaling
ready na siya after her studies.
No comments:
Post a Comment