Tuesday, January 10, 2017

Mocha Uson binasbasan na ni Presidente Digong

Sa kabila ng mga nagtataasang kilay ng mga may disgusto sa pagka-appoint sa sexy performer na si Mocha Uson bilang isa sa pinakabagong board member ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB), “Eat your heart out!”, say ng isang close confidante ni Mocha sa bashers nito nang nakausap namin kahapon.
Yes! Official na ang appointment ni Mochachino as one of the new board member ng MTRCB, dahil kasama ang sexy performer-starlet sa almost 200 na bagong appointees ni President Rodrigo Duterte na pinanumpa niya sa Malacañang kahapon, January 9.
 

Mocha Uson
Kasama ni Moccachino si Cesar Montano na mamumuno sa tourism sector as a COO (talbog!).
Pero tsika ng kakilala naming super close kay Mochachino, isang taktika lang daw talaga nito ang pakikipagtungalian online sa mga umaaway at may ayaw sa sinusuportahan niyang presidente.
“Pera lang ‘yan, ‘day. Kumikita siya from her sponsors sa kanyang blog,” dagdag nito.
Sa katunayan, say ng kakilala namin na malapit sa kanya, “Ang lahat ay pakana ng partner niyang si King Byron (business manager ng Mocha Girls) na siyang may paandar sa blog niya at imaging sa publiko.

Mocha with President Digong
Kung mapapansin daw, paiba-iba ang atake ni Mochachino sa mga isyus ma tinatalakay niya.
“Hindi consistent. Alam mo na, mga kakampi niyang mga trolls ang sumusulat,” sabi nito sa amin.
Panigurado niya sa amin, “Mabait siya (Mocha) kung makikilala mo lang siya.”
Let’s see.

No comments:

Post a Comment