Friday, June 16, 2017

Ang kakaibang Vice Ganda sa balat ng lupa



Basta Vice Ganda, asahan mo iba. Kung sabagay, palagi naman siya naiiba kumpara sa ibang mga artista reason kung kaya’t gusto ko siya personally.
           
Ang kakaibang Vice Ganda sa balat ng lupa
Sa pananamit niya, very avant-garde at very radical kung basis ng fashion sense mo ay ‘yong nakikita mo lang ang mga local “fashion” magazines na very safe at kopya sa mga US or Australian magazines; hindi mo malamang maiintidihan ang isang Vice Ganda’s kind of fashion.
           
Kaya ang edgy fashion statement ng unkaboggable box-office superstar ay palagi inaabangan ng kanyang mga followers and fans sa kanyang Sunday’s Gandang Gabi Vice dahil sa pasabog outfit niya na si Vice lang talaga ang nakakapag-keri.
           
Sa katunyan simple nga ang suot niya sa 6th year anniversary ng GGV last Sunday kung saan si Megastar Sharon Cuneta ang guest niya.
           
Aliw ang halakhakan nila ni Sharon sa episode na yun na sigurado ako na enjoy n’yo rin tulad ko.
           
Pasabog ang opening production number niya huh! Effort na pinaghirapan ni GV.        
           
May nangintriga pa nga sa social media na kung bakit sa studio lang ginawa ang anniversary episode ng GGV gayong Vice Ganda is Vice Ganda pero content wise with Sharon as special guest may hahanapin ka pa ba ay sapat na plus ang pakawala nila na mga pa-premyo para sa mga loyal followers ng show at  fans ng komedyante
           
Sa estado ng Vice, may insecurities pa ba siya?
 
Ako na ang sasagot dahil kampante siya sa estado niya. Wala siya dapat pa ika-insecure na ang track record niya sa mga nagawa na projects in the past ay sapat na at hindi kuwestyunable. May dapat pa ba ika-insecure si Vice? Sa ganang akin ay waley na.
    
Ang pinaguusapan na social statement outfit ni Vice

Just like last Monday sa Mega(the fashion magazine) Millennial Ball na isinagawa sa City of Dreams na dinaluhan ng mga showbiz celebrities ay naiiba na naman si Vice sa suot niya na white outfit n simple lang na aay mahabng cape with a statement na malaking texto in red  #prayformarawi na may mga maliliit na printed word as background like Fake News, , Family at kung anu-ano pa, na madami ang nag-like sa social media at naging viral.

‘Yong statement niya sa kanyang radical at edgy fashion last Monday ay love ko. This is one reason marahil kung bakit gusto ko ang pagiging straightforward niya na para sa iba ay masyadong direkta na hindi siya matangap until now. 

Sa mga naka-kahon na isipan; ang mga celebrities natin ngayon ay hindi lang pang showbiz na kakanta,magho-host at aarte lang sa telebisyon, entablado, pelikula at social functions. 

Ang mga celebrities na tulad nina Vice at Angel Locsin (na sumugod sa war zone ng  Marawi) ay alam ang kanilang social responsibilities dahil sila na  mismo ay alam nila ang impluwensya na magagawa nila sa publiko at nnakararami.
 
Sa pagiging prangka, irreverent at pagiging diretso ni Vice; alam ko hindi lahat ay gusto siya( but this is an old issue na kaya deadma na lang) pero dahil kakaiba ang utak, ideya at istilo ni Vice at ang stand niya sa bawat usapin, gusto ko ang isang Vice Ganda na parang ako na kung ayaw mo sa akin ay bahala ka at hahayaan ko na problemahin mo ako. 
 

No comments:

Post a Comment